top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 15, 2021


ree

Inamin ni Matteo Guidicelli na gustung-gusto na niyang magkaanak sila ng misis na si Sarah Geronimo. Kung puwede nga lang daw ay bukas na.


“Sana bukas,” natatawang sey niya sa podcast niya na MattRuns.


“Seriously, dude, I’d love to be a papa already, man! But you know, in God’s time, I guess,” patuloy niya.


Of course, kailangan din daw niyang i-consider ang kanyang misis.


“I’ve got to respect my wife’s timing also, and I think, everything has a time. We just got married. It’s the first time Sarah and I live together, spending time together. I think we should appreciate that and mold that moment together, and mature that moment, alam mo ‘yun?” sey pa ni Matteo.


Sa nasabing podcast ay guests niya sina Liza Soberano, Enrique Gil and common friend nilang businessman na si Ranvel Rufino. Nakakatuwa ang kanilang tsikahan bilang close rin siya sa LizQuen dahil nakasama niya ang mga ito sa dalawang teleserye, ang Dolce Amore at Bagani.


Sey nga ni Liza, that time ay wala pa raw asawa si Matteo. Kaya naman natanong ng aktor ang LizQuen kung kailan naman sila magpapakasal.


Tawa lang nang tawa si Quen at walang maisagot. Hirit ni Matteo ay napakasarap daw ng buhay-may-asawa na tila kinukumbinse ang dalawa na magpakasal na rin.


“Being married, bro, I’m telling you, right now, it’s beautiful, boyfriend and girlfriend, but being married is like a different level of happiness, different level of comfort,” ani Matteo.


Pero mukhang malayo pa naman sa isip ng LizQuen ang pag-aasawa dahil sa ngayon ay marami pa silang gustong gawin para na rin sa kanilang future.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 12, 2021


ree

Kahit binagyo man nang matindi ang ABS-CBN last year dahil sa pagkaka-deny ng bagong prangkisa, proud pa rin si Vice Ganda na nandiyan pa rin ang network at unti-unting bumabangon.


Matatandaang July 10 last year ay na-deny ng House of Representatives ang pagkakaroon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN na naging dahilan para tuluyan nang matigil ang TV airing ng network at mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado.


Sa It’s Showtime last Saturday na saktong isang taon simula nang ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi napigilang ipahayag ni Vice ang kanyang nararamdaman.


“Dati, sobra akong nalulungkot, talagang nadudurog (ang) puso ko. Pero ngayon, sumasaya na ‘ko. Parang, the pain that I felt before is giving me strength right now. It’s giving me a reason to smile kasi, my God, isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo, ha?” pahayag ni Vice.


Bilang Kapamilya, nasaksihan din niya ang unti-unting pagbangon ng network mula sa pagkakabagsak.


“Inakala natin na tuluyan na talaga tayong tutumba, durog na durog, na maibabaon pero nakatayo at unti-unting umaangat. Maliliit man pero it matters so much ‘yung mga pag-angat na ‘yan,” aniya.


Nakakataba nga raw ng puso na sama-sama pa rin sila kaya naman masaya na siya ngayon.


“Ako, kung tutulo man ang luha ko, tutulo na ‘yung luha ko na may kasamang ngiti at saya, at punumpuno ng pag-asa. Hindi na kasingdurog noong nakalipas na taon. One year na po ‘yan and we are still here, not just surviving but thriving for you madlang pipol,” masaya niyang wika.


Hindi rin nakatiis si Vice at naglabas ng kanyang pagkaimbiyerna sa naging issue sa kanila ni Bea Alonzo hinggil sa paglipat ng aktres sa GMA-7.


“Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng ipinapalabas ninyong tsismis sa social media. Hoy, 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n'yo. Cheap n'yo,” sey ni Vice.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 10, 2021


ree

True kaya ang mga tsikang lumalabas na nasa senatorial slot na raw ng posibleng Ping Lacson-Tito Sotto tandem sina Kris Aquino at Vilma Santos?


Muling umingay ang pangalan ni Kris sa mundo ng pulitika dahil nalalapit na naman ang eleksiyon and this time, mukhang ang daming clamor talaga na tumakbo siyang senador.


Noon pa naman ay hinuhulaan na talaga ng marami na kapag tumakbo siya ay tiyak namang mananalo dahil nga napakaganda ng record ng pamilya niya sa pulitika.


Pero ang alam namin ay nasa US ngayon si Kris at nagpapagaling. Noon pa ay sinasabi niyang hindi siya interesado sa pulitika pero let’s still see dahil puwede namang mabago ang desisyon niyang ito.


Si Ate Vi naman, last election pa inaalok na tumakbo sa Senado pero tinanggihan niya ito, bagkus ay tumakbo nga ulit for another term as congresswoman sa Batangas.


As we all know ay natapos niya ang mga termino niya bilang mayor ng Lipa at gobernador ng Batangas na may napakaganda ring record.


Anyway, sa October na ang filing of candidacy at malapit-lapit na rin ito kaya rito na talaga magkakaalaman kung magta-tandem ba talaga sina Sen. Ping and Tito Sotto as president and vice-president respectively at kung nasa senatorial slot nga ba nila sina Kris at Ate Vi.


If ever na magkatotoo na magsasama-sama silang apat, sigurado kaming magiging napakalakas ng kanilang partido.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page