top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 20, 2021


ree

Hindi nakayanan ni Robin Padilla ang init at pagod habang nagde-deliver ng mga pagkain na negosyo ng asawang si Mariel Rodriguez. Sa kanyang Instagram page, nag-post ang aktor ng larawan niya kasama ang mga nurses sa hospital.


Ayon kay Binoe, nahilo siya kaya kaagad nagpunta sa ER (emergency room) ng isang ospital. Kasabay nito ay pinapurihan din niya ang mga delivery riders dahil hindi raw biro ang trabahong ito.


“Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders. Sa sobrang babad sa init kanina, nahilo ako kaya kagyat akong nagpunta sa New Era General Hospital at nagpa-checkup,” ani Binoe sa caption.


Medyo mataas daw ang blood pressure niya, pero other than that, wala namang nakitang problema.


“Normal naman ang lahat ng vital signs ko, hindi lang ang BP na 140/100 ako,” pagbabalita ng aktor.


Patuloy pa niya, “Napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders. Babad sa init at usok, tapos biglang uulan.”


Ikinuwento rin niyang nakatulog siya sa ER at paggising niya ay okay na raw siya’t nag-deliver na ulit.


“Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room, ok na ako uli. Resume na agad ng delivery.”


Sumagot naman si Mariel sa comment section at nagpasalamat sa mister.


“Wow, thank you so much babe,” ani Mariel.


Matatandaang nagbukas ng online meat shop si Mariel kamakailan. Nagde-deliver sila ng steak at nakakatuwang si Robin nga ang kanyang delivery boy.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 17, 2021


ree

Isa si Angel Locsin sa mga nakatikim ng matinding body shaming at panlalait mula sa mga netizens dahil nga sa kanyang weight ngayon. Pero ayon sa aktres ay hindi naman niya ito ikina-bother at aminado naman siyang tumaba talaga siya.


“Hindi ako nagsalita kasi parang… ano'ng sasabihin ko? 'Yun ang opinion nila sa sarili ko, eh. Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero hindi naman masusukat noon kung sino ako,” pahayag ni Angel sa kanyang live interview sa Over a Glass or Two vlog.


Natatawa pang dagdag ng aktres, “Mabuti nang chubby kaysa ugly.”


Mensahe pa niya sa mga bashers, “Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that. But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay sa table.”


Alam daw niyang hindi niya kayang kontrolin ang opinyon ng mga tao pero hindi raw sukatan ang mga negative comments na ito para mabawasan ang pagmamahal niya sa sarili.


“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at inirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan, maraming na-achieve rin naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako rito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful and tanggap ko, I’m a work in progress. Alam ko naman ‘yun, eh,” saad niya.


Matatandaang noong nakaraang Hunyo ay nagsimula na si Angel ng kanyang weight-loss program at may improvement na nga dahil pumapayat na siya.


“Ginagawa ko ito for myself, for my health lang talaga. Maraming salamat dahil vaccinated na tayo, nakikita natin 'yung blood pressure natin. So 'yung sa akin, mataas (ang BP), mataas siya, kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin talaga.


“It’s not really for vanity. Siguro, bonus na lang din 'yun, pero 'yung hinahabol natin, 'yung importanteng health. Alagaan natin ang sarili natin,” saad ni Angel.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 16, 2021



ree

Ngayong Agosto na pala magbibigay ng announcement sina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto kung tatakbo ba sila o hindi sa darating na eleksiyon.


“Ang plano namin ni Sen. Lacson, officially mag-a-announce kami sa August 5, tentatively. August 5 ang target,” ani Tito Sen sa kanyang panayam sa radyo.


Maingay na maingay nga ngayon na tatakbong vice-president si Tito Sen at si Sen. Ping ang kanyang running mate sa pagka-presidente. Ang tsika nga ay bumubuo na sila ng kanilang senatorial line-up ngayon.


Nagsisimula na rin silang mag-ikot sa mga probinsiya ng Luzon para malaman ang pulso ng mga tao tungkol sa kanilang kandidatura at mukhang maganda naman ang feedback na nakukuha nila.


“Well, the preparations and the consultations and the information necessary na gusto namin by that time, siguro, eh, nasa amin na, at makakapag-prepare na kami.


“Meron lang mga consultations pa, kaunti, na aasikasuhin. Plano naming mag-Visayas, baka next week, eh,” sey ni Sen. Tito.


Sa totoo lang, mukhang star-studded ang senatorial line-up ng Ping-Tito tandem. Nauna na naming naisulat na may nakareserba nang slot para kina Kris Aquino at Batangas Congresswoman Vilma Santos at ang latest tsikang nasagap namin ay isasama rin daw si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page