top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 26, 2021


ree

Nakampante na ang mga fans ni Alden Richards ngayong vaccinated na ang aktor kontra COVID-19.


Nag-post ang bida ng The World Between Us last Saturday ng larawan niya na ipinapakita ang brasong nabakunahan at sa caption ay in-encourage niya ang mga mamamayan na magpabakuna na rin para makamit natin ang herd immunity.


“Vaccinated! By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself & my family, but also my community. Tulung-tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you so we can reach herd immunity. It will act as a barrier against the virus,” pahayag ni Alden.


Natuwa ang kanyang mga fans at nagkomento sila na nawala na rin daw ang pag-aalala nila dahil bakunado na ang idolo.


Not only that, pinatunayan din ni Alden na matindi rin siyang influencer dahil ang daming nag-reply na magpapabakuna na rin sila.


Sey pa ng mga netizens…“Ikaw lang ang nagpa-convince sa akin na magpa-vaccine @aldenrichards02. Ok fill up online na ako. Actually, lahat ng kasamahan ko sa office, na-vaccine na. Ako na lang ang hindi pa. ‘Yung boss, na-Covid, nag-chat sa akin kagabi magpa-vaccine na raw ako. ‘Di pa rin ako umoo.”


“Magpapa-vaccine na rin ako. Inalis mo ‘yung takot ko, Paps at matutuwa ang mga doctor ko n’yan.”

 
 

LANG NG ABOGADO PARA MAKAGAWA NG BATAS.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 25, 2021



ree

Pinuputakti na ngayon si Willie Revillame ng media and press na gustong malaman kung tatakbo ba siya o hindi sa Senado sa 2022 elections. As we all know ay nasa senatorial slate ang TV host ni Pres. Rodrigo Duterte kasama ang isa pang taga-showbiz na si Robin Padilla.


Sa latest episode ng Wowowin ay humingi ng dispensa si Willie sa mga gustong mag-interview sa kanya dahil wala pa naman daw siyang sasabihin.


“Wala muna ho akong interview kasi wala pa naman akong desisyon. Magpapa-interview na ako ‘pag may desisyon na. Ayoko muna hong magpa-interview dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan ko pa,” aniya.


Sa October pa naman daw ang filing ng candidacy at may mga hinihintay pa siya bago magdesisyon.


“Hihintayin ko lang po ang aming pag-uusap. Pagkatapos ng pag-uusap, then I will decide and then, I will announce. So, ngayon ho, wala naman akong ia-announce dahil wala naman akong commitment pa,” sey niya.


Pati ang mga iba’t ibang himpilan at networks ay tinatawagan siya for interview pero aniya, sana raw ay maintindihan siya kung hindi muna magpapa-interview.


“Once na lumabas naman ako at nagdesisyon na, open na ako sa lahat,” sambit niya.


Nagbigay din ng mensahe si Willie sa kanyang mga bashers na nagsabing ang iboboto raw nila ay hindi ‘yung nagbibigay ng jacket at hindi nagpapatawa.


“Kung sino ka man, attorney, tingnan mo ‘yung ginawa namin sa ating mga kababayang naghihirap. Tapatan mo ‘yun. 'Pag tinapatan mo ‘yun, bilib ako sa ‘yo,” mensahe ni Willie.


Dagdag pa ng TV host, sa pagtulong daw ay hindi naman kailangang magaling ka or marunong.


“Bawat may mga nangyayaring pagtulong, hindi ka naman kailangang magaling na magaling at marunong, eh. Kumuha ka na lang ng magaling na abogado para ikaw ay makagawa ng magandang batas.


“Ang importante, ‘yung matulungan mo ‘yung naghihirap nating kababayan. ‘Yung kakainin nila sa araw-araw, pambili ng gamot, ‘yan ang dapat. Kaya ka nga ibinoboto, eh, para makatulong ka, eh, 'di ba? Kaya ka nga inilalagay diyan para sa kanila, eh, hindi naman pansarili mo, eh,” ani Willie.


Dagdag pa niyang mensahe, “Wala pa ho akong desisyon kaya huwag n’yo muna akong tirahin. Wala munang tirahan kasi wala pa naman akong desisyon, eh.”


At habang wala pa raw siyang desisyon, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagpapasaya at pagtulong sa mga tao sa Wowowin.


“Gusto ko munang mag-Wowowin, gusto ko munang magpasaya, gusto ko munang makatulong sa programang ito hangga’t wala pang desisyon,” pahayag ni Willie.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 24, 2021


ree

Hindi pa rin ready na magsalita si Aljur Abrenica tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla at sa mga intrigang nakakabit dito.


Sa solo presscon ng aktor kahapon para sa kanyang bagong digital film na Nerisa, aminado siyang alam niyang maraming tanong na naghihintay ng kasagutan pero aniya ay darating din ang time na magsasalita siya.


“Alam kong marami kayong gustong itanong, pero in time po, masasagot at alam kong concerned kayo sa akin. Pagdating ng panahon, maaayos din po ‘to lahat,” pahayag ni Aljur.


Basta sa ngayon, ang focus at priority pa rin daw niya ay ang kanyang pamilya at career. Masaya raw siya sa nangyayari sa kanyang karera na may mga projects na dumarating. Happy din siya na nasa pangangalaga na siya ngayon ni Leo Dominguez and after Nerisa ay may mga naka-line-up pa siyang proyekto.


“When it comes to my personal life, it’s always been a choice. Choice mo pa rin kung magiging masaya ka or hindi. So, para sa ikabubuti ng lahat, ng anak ko, lahat-lahat, I will always choose to be happy kasi 'pag hindi ako maayos, hindi magiging maayos ang lahat,” aniya.


Samantala, itinuturing naman ni Aljur na most daring film niya ang Nerisa at talaga raw ibinigay niya nang bongga ang hinihingi ng kanyang karakter.


“So far, ito na ‘yung pinaka-daring na nagawa ko, not because nagpakita kami ng skin sa mga love scenes. Ito ‘yung pinaka-passionate when it comes to love, when it comes to character,” he said.


Sa Nerisa ay leading lady niya si Cindy Miranda at napakarami nilang love scenes sa movie.


Bagama’t nagkaroon ng inhibitions ang aktres sa mga daring scenes ay naging professional daw ito at ginawa rin ang mga eksena.


“She’s very professional at nagkaroon kami ng bonding at naging magkaibigan kami at lahat ng mga cast du’n sa set sa Nerisa,” sey ni Aljur sa solo presscon niya kahapon para sa naturang pelikula.


Aminado siyang bilang leading man ay nag-alala siya for Cindy dahil sa dami ng mga daring scenes nito sa movie at ang maganda naman daw ay pinag-usapan muna nila ang mga matitindi nilang love scenes.


“Nag-usap kami ni Cindy. Siyempre, babae pa rin ‘yun. Ako nga, nag-aalala ako sa kanya kasi marami siyang ginawang love scenes. Pero, ginawa ko pa rin na respetuhin siya. Sabi ko, ‘Hanggang saan ‘yung kaya mo?’ Nagkaroon kami ng usapan, hanggang saan ang limitasyon, naging open kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Aljur.


Ang ikinalulungkot lang ng aktor ay naintriga pa sila ni Cindy. As we all know, damay ang aktres sa issue ng hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla.


Naakusahang third party si Cindy pero nilinaw naman agad ng aktres na hindi ito totoo.

“I felt sorry, gusto kong humingi ng pasensiya sa lahat ng mga nadadamay. ‘Yun lang. Hindi nila deserve ‘yun. ‘Yun lang po,” ang reaksiyon ni Aljur sa pagkakadamay ni Cindy sa hiwalayan.


Very proud si Aljur sa Nerisa dahil talaga raw pinaghirapan niya ang pelikulang ito. Mula sa direksiyon ni Law Fajardo, Nerisa will be having its global premiere this July 30 on ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV and on Vivamax.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page