top of page
Search

MAY PLANO NANG NEXT TRIP.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 05, 2021



ree

Dumating na nga sa bansa ang magdyowang Bea Alonzo at Dominic Roque matapos ang ilang linggong bakasyon sa USA.


Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Bea ng short clip ng isang sasakyang nagbibiyahe sa ulan at sa caption, aniya, “I’m back.”


Halos kasabay nito ang post ni Dominic na nasa sasakyan din at umuulan. Caption naman niya: “Back in MNL.”


Bago ito ay nag-hint na rin si Bea na pauwi na siya ng 'Pinas at malapit na siyang magbalik-trabaho.


Sa kanyang IG post last Aug. 1, aniya ay patapos na ang kanyang bakasyon at pinaplano na raw niya ang next trip, though matatagalan pa raw dahil magtatrabaho muna siya.


“So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream (heart-eye emoji). I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping, maybe this is kind of an introduction, and I know I’ll be doing this a lot in the future (heart emoji). It’s just nice to be close to nature and be able to experience its wonders (heart emoji).


“My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I’ll also miss being on the road exploring beautiful places. I’m already planning my next trip as I’m typing this, (tears of joy emoji) pero matatagalan pa 'yung susunod, trabaho muna (praying hands emoji)," pagbabahagi ni Bea.


Actually, hindi lang kina Bea at Dominic memorable ang trip kundi maging sa mga fans nila dahil dito sila tumodo sa pagiging open sa kanilang relasyon.


Ilang beses silang nagpakilig sa kanilang mga fans dahil sa kanilang mga sweet photos sa mga series of events tulad ng birthday ni Dominic, baby shower ni Beth Tamayo, camp adventure sa AutoCamp, Yosemite at ang kanilang trip sa San Francisco MoMA Museum.


Matatandaang lumipad si Bea patungong US last July 9 para magbakasyon bago siya sumabak sa trabaho bilang bagong Kapuso talent. Pero mukhang made-delay ang pagbabalik sa work ng aktres dahil nga timing naman na sasailalim na naman ang Metro Manila sa ECQ simula sa Aug. 6.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 04, 2021


ree

Dumating na sa bansa si Sharon Cuneta last August 1 nang madaling-araw matapos ang halos tatlong buwang pananatili sa Amerika. Sa kanyang pagdating ay dalawang magkasunod na Instagram posts ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang mga fans and followers.


Ang una niyang post ay ang pakikiramay sa pagyao ng kanyang impersonator na si Marvin Martinez a.k.a. Ate Shawee na matatandaang pumanaw last July 26 due to liver cirrhosis.


Ayon kay Sharon ay hindi niya nalamang namatay na si Ate Shawee dahil hindi niya ginagamit ang kanyang Philippine phones sa US at bihira siyang mag-check ng kanyang social media accounts. Kaya naman sobrang shocked niya when she found out about it pagdating niya ng 'Pinas.


“I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone. I hardly checked all my social media platforms and went on them to post then rarely, read and reply to some of your comments.


‘So it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing.


“I appreciated and adored Marvin and in those lean years of my career when I was too fat to work, seriously even worried about what Marvin would be able to do impersonating me and getting any jobs at all,” ani Sharon sa kanyang IG post.


It turned out na hindi lang ang pagyao ni Ate Shawee ang kanyang dinaramdam ngayon kundi may iba pang tao, kaya aniya ay malungkot siya ngayon.


“Now he is gone. And not just Marvin…I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with. May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako.


“Salamat sa Diyos, okay naman kami ng pamilya ko kaya 'yun ang importante,” aniya.


“Kaya rin po kahapon pa ako nang umaga nakabalik sa Manila, pero quiet na quiet lang po ako dahil may mga problemang kailangang lagpasan. Never naman ako pinabayaan ng Panginoon kaya sure ako lilipas din ito,” patuloy ni Sharon.


The Megastar expressed her condolences to Marvin’s family and thanked her impersonator.


“My deepest condolences to his family, friends, and loved ones…Napakasakit nito sa akin at sa aking Sharonians. Mahal na mahal ko si Marvin at wala akong kamalay-malay kahit nu'ng may sakit siya dahil I was in “escape mode” for peace kahit sandali lang sa Amerika.


“I love you and always will, my Ate Shawee, my Marvin. Maraming salamat sa pagmamahal, marespetong pagganap sa akin at pagpapaligaya sa aming lahat. Mami-miss kita talaga… may God bless and embrace your loved ones through this most difficult time…” pagtatapos ng post ni Sharon.


◘◘◘


Sa pangalawang post ni Sharon ay ibinahagi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang pamilya dahil naka-quarantine siya ngayon pero makikita sa mga larawang ipinost niya ang effort ng mga ito para i-welcome siya.


Gumawa pa ng welcome poster ang kanyang pamilya na siyang sumalubong sa kanya pagpasok niya ng hotel room at ang pinakamatindi ay ang bouquet of flowers na galing sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan with matching hand-written card saying how much he missed her. Ang sweet nga dahil nagtatanong pa ang asawa kung ano’ng food ang gusto niya.


“Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me,” bungad ng post ni Sharon.


Muli ay ibinahagi niya na may pinagdaraanan siya ngayon pero gumaan ang loob nang sumalubong sa kanya ang welcome banner na ginawa ng pamilya.


“Going through so much so please pray for me. Kahit talaga ano'ng tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito!


“Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon. Excited na po ba kayo sa Revirginized?!!! Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us!” pahayag ni Mega.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 02, 2021



ree

Inamin ni Jessy Mendiola na mas marami pa raw siyang naiipon ngayong may asawa na siya kaysa noong dalaga pa siya.


Aniya, “I’m one of those lucky ones na nabigyan ako ng chance to explore the digital world. And I just feel so blessed kasi hindi sagad ‘yung work ko pero I still earn, I think, double.


“And I’m just really happy na brands are still getting me and ‘yun nga, kaya ako nakaka-save,” sey pa ni Jessy sa tsikahan nila ni Enchong Dee para sa vlog ng aktor.


Pagdating naman daw sa expenses sa bahay, hati sila ng mister niyang si Luis Manzano.


“Actually, isa ito sa mga itinatanong din sa akin ng mga tao na parang ang iniisip nila, dahil asawa na ako ni Luis, hindi na ako gumagastos, he takes care of everything when it comes to money. But it’s more of like lumaki kasi ako na breadwinner, so I like the feeling na I can fend for myself. I can pay this, I can buy that, I can do whatever I want with my own money ‘coz I have my own money,” sey pa ni Jessy.


Kaya ito rin daw ang advice niya sa mga married girls, dapat daw ay magkaroon din ang mga ito ng sariling kinikita at hindi dapat nakaasa lang sa asawa.


Puring-puri rin ni Jessy si Luis dahil napakagaling din daw ng kanyang asawa sa pera.


“Si Luis kasi, magaling din sa pera. Sobrang galing niya sa businesses niya, sa pera, but he’s also so generous and sometimes, people take advantage of that,” sey ng aktres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page