top of page
Search

LAGING PINAG-UUSAPAN.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 13, 2021



ree

May pangalan na nga kung sino ang special guy ngayon sa buhay ni Kris Aquino na binigyan niya ng birthday message noong August 11. Ito ay si former Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.


Sa bagong post ni Kris kahapon ay ipinakita niya ang napakalaking bouquet of flowers na padala ng kanyang special guy bilang ‘thank you’ sa pagbati niya sa kaarawan nito.


“Bimb carried this pretty awesome bouquet… I have never been thanked this way for a “birthday” post… obviously he has Bimb’s yes and I’ve always been vocal, when my sons are okay, then my world’s okay… and because I want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us - my family, closest friends, and trusted team,” ani Kris sa caption.


Sey pa ni Tetay, feeling daw niya ay approved din sa guy ang yumao niyang kapatid na si former Pres. Noynoy Aquino.


“Thank you for wanting me to be happy, this time I feel even Noy in heaven will finally approve. Siguro naman, because we’d never have met had it not been for him,” saad ni Kris.


Natuwa naman ang mga kaibigan ni Kris at maging ang mga followers niya na finally ay may special someone na siya at sey nga nila, Kris deserves to be happy.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 12, 2021


ree

Matapos dumating mula sa US, kasalukuyang naka-quarantine pa rin si Bea Alonzo sa isang hotel for 10 days, pero baka raw mabago pa.


“When I left, I was told na 7 days lang and then, when I got here, 10 days na raw. And it changes pa, 'no? So, siyempre tayo, magko-comply naman tayo kung ano ‘yung bagong rules, 'no, kasi I’m sure they know better. But ‘yun nga, sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ‘yung exact date na makakalabas ako,” sey ni Bea sa interview sa 24-Oras ng GMA-7.


Habang nakakulong sa hotel room ay nagbi-binge watch daw siya ng mga series at nakikipag-meeting din virtually with a lot of people. Nagwo-workout din daw siya dahil nag-gain ng weight habang nasa US.


“Talagang itinodo ko,” natatawa niyang sabi. “But I don’t feel guilty kasi sobrang nag-enjoy talaga ‘ko.”


Ayon kay Bea ay napakalaki ng naitulong sa kanya ng nasabing US trip.


“Kinailangan ko talaga ‘yun. Parang feeling ko, ‘yung trip ko sa US really reenergized me kasi ngayon, parang I’m really ready to work, I’m ready to put myself out there and you know, share my talent. So, I’m excited,” aniya.


Nagbigay din siya ng update sa movie nila ni Alden Richards. Na-delay lang daw ang shooting because of the ECQ pero next month ay sisimulan na nila ito.


“But definitely, magla-locked-in na kami ng I think, Sept. 24. I’m also looking forward to that,” sey pa ng aktres.


Sobrang excited daw siya dahil nami-miss na rin niya magtrabaho.


Bukod sa movie with Alden ay ang dami rin daw niyang naka-line-up na guestings sa iba’t ibang GMA shows.


And of course, masaya rin si Bea na sobrang tanggap ng mga tao ang relasyon niya with Dominic Roque.


“I know that a lot of people have been part of my journey and parang almost everyone in this country knows my story and I appreciate that they are happy for me kasi nga, naiintindihan nila kung saan ako nanggagaling at kung saan ako ngayon at kung saan ko gustong pumunta.


“I’m very appreciative du’n sa reactions, although siyempre, mas nagma-matter kung ano ‘yung nararamdaman mo at kung ano ‘yung totoo na nangyayari sa buhay mo.


“But I’m happy na parang everything’s so light, everything’s being celebrated. So parang ako, I want to savor this moment, I don’t want to let this just pass me by. Gusto ko siyang i-celebrate, everything about my life - new beginnings and then now, this current thing, nahihiya akong sabihin, my love life,” pahayag pa ni Bea.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 10, 2021


ree

Walang-wala sa isip ni Senator Ping Lacson na ilaglag o abandonahin ang running mate na si Senate President Tito Sotto nang mag-offer siya ng “sure unification formula” kay Vice-President Leni Robredo.


"It was a selfless move on my part to offer the unification formula to VP Leni Robredo since she was after a united opposition/front in 2022. After all, it was her objective for liaising with different forces or candidates including Mayor Moreno, Sen. Pacquiao, Sen. Gordon, among others,” pahayag ni Sen. Ping sa isang panayam.


Pero tumanggi nga si VP Leni sa kanyang offer at inirerespeto naman daw niya ito.


“It goes without saying, I respect her decision to resist my suggestion and whatever reasons she has for declining. I admit, while there could be some complications attendant to my suggestion, nevertheless, it was a sincere and selfless offer in support of her equally sincere efforts to have one common candidate against whoever will be the administration’s bet,” dagdag pa ni Sen. Ping.


Sinabi rin ng presidential aspirant na kasama sa kanyang proposal kay VP Leni na si SP Sotto ang kanilang magiging common VP candidate.


“If I may add - included in my suggestion was to have SP Sotto as our common VP candidate, if only to emphasize that I have no intention of abandoning my partner,” pahayag pa ni Sen. Ping.


As we all know ay isa rin si VP Leni sa mga napapabalitang tatakbong presidente habang sina Lacson at Sotto naman ang first confirmed tandem sa 2022 elections.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page