top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 23, 2021



ree

Suportado ni Star for All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos ang pagtakbo ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.


“Yes, we will support him. Mayor Isko is an inspiring and God-loving leader and we can see his drive to serve the Filipino with a heart, hope and action,” ang pahayag ni Ate Vi base sa text message niya sa ABS-CBN reporter na si RG Cruz na ipinost naman nito sa Twitter.


Patuloy pa ni Ate Vi ay nakita niya ang sinseridad ni Mayor Isko sa mga nagawa nito sa Manila, lalo na nga nitong pandemic.


“With what he did to Manila, especially during this pandemic, we saw his focus and sincerity as a leader,” aniya.


Ibinibigay din niya of course ang kanyang suporta sa ka-tandem ni Mayor Isko na si Doc Willie Ong.


Dahil dito ay marami ang humuhula na baka tumakbong senador si Ate Vi sa partido nina Mayor Isko and Doc Willie.


Matatandaang noon pa talaga maraming nag-o-offer sa kanya to run as senator at halos lahat yata ng partido ay gusto siyang isali sa senatorial line-up.


Pero base sa pinakahuling interview ni Ate Vi sa Over a Glass Or Two vlog last week, wala pa siyang final decision regarding 2022 elections at pinag-iisipan pa niya kung tatakbong senador or magreretiro na sa pulitika.


Paliwanag niya, hindi madaling mangampanya ngayong pandemic.


“Because, ang panahon ngayon ay hindi madali. Because of COVID, hindi ko magagawang makaikot sa buong Pilipinas so that our people or ‘yung mga kababayan ko will see me personally at mailatag ko sa kanila per numero talaga ‘yung programang gusto kong ibigay sa kanila, mga batas na gusto kong ilatag for their protection. I cannot go all over the Philippines because of COVID.


“So, hindi ka nila makikita physically, ‘di ba? And I just cannot rely campaigning lang sa social media,” sey ni Ate Vi.


Bukod pa nga rito, kailangan din naman niyang maging maingat sa sarili.


“I need to take care of myself, too, ‘di ba? I’m not getting any younger. So, delikado rin ‘yung edad ko na. And I feel, may responsibilidad din ako to take care of my family.


“So, ‘pag nagkasakit ako, madadamay ang pamilya. I cannot be effective na magbigay ng serbisyo kapag nagkasakit ka.


“So, a lot of things to consider. Hindi magiging madali,” she said.


Sa ngayon daw ay humihingi pa siya ng gabay kay Lord sa kanyang gagawing desisyon.


“I’m just praying for it, sana ma-guide-an ako kung ano ang dapat kong gawin by October, ano ang magiging desisyon ko.


“Either I may run for a higher position, sa Senate seat, or I may retire from politics. Bahala na si Lord,” saad ni Congw. Vi.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 22, 2021



ree

Ang dami na namang nag-react sa blooper ni Kim Chiu sa It’s Showtime kung saan ay nagkamali siya sa pagsasabi ng isang verse sa Bible.


Sa isang segment kasi sa It’s Showtime ay pinag-uusapan nila ni Vice Ganda ang pangalan ng isang contestant na si Psalm Manalo.


Nag-dialogue si Kim ng “Ang ganda ng pangalan niya, ‘Ma, ‘no? Psalm. Parang mga gospel ‘yan sa Bible, Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, ‘di ba?”


Ikinorek agad si Kim ng mga netizens sa social media at sinabing John 3:16 ang verse at hindi Psalm 3:16.


“Sis @prinsesachinita John 3:16 ‘yun beh, hahaha, hindi Psalm. Haha you're the cutest. Love you beh! #TNT5AngHulingTapatan hahaha,” tweet ng isang fan.


Nakita naman agad ni Kim ang tweet at humingi siya ng dispensa.


“Ay, mali pala ako (see-no-evil monkey emoji), sorry po,” ang sagot ni Kim.


Pero kung dati ay grabe ang panlalait ng mga netizens sa mga bloopers ni Kim, this time ay tila nasanay na sa kanya at tinatawanan na lang siya. Na-appreciate rin nila ang pag-amin ng aktres sa pagkakamali at pagso-sorry.


“Ok lang ‘yan, Kim, lahat ng tao nagkakamali, pero nakakahanga ka dahil alam mong mag-sorry. Hayaan mo na lang mga makikitid ang utak, may mali na talaga sa pagkatao nila,” komento ng isang netizen.


“So humble Kimmy, that's why we admire you most. Sa iba d’yan, perfect ba kayo? Never ba kayo nagkamali sa whole life n’yo?” sey naman ng isa pa.


“Mahal ka pa rin namin!” sabi naman ng isang fan.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 13, 2021



ree

Naging emosyonal si K Brosas habang ibinabahagi sa virtual mediacon kahapon ang hirap na pinagdaanan niya sa pagpapagawa ng kanyang bahay sa Quezon City.


Matatandaang last Friday ay ipinost ni K sa kanyang social media accounts ang paghahain niya ng pormal na reklamo laban sa mga contractors na kinontrata niya para gawin ang kanyang bahay.


Sa kuwento ni K sa kanyang post, mahigit 7 million pesos na ang kanyang naibigay sa contractors pero inabandona raw ang kanyang bahay at hindi na tinapos.


“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang naibigay ko at kung tutuusin, tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon, inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay,” ang bahagi ng kanyang post.


Sa virtual presscon kahapon ay ibinahagi ni K ang ibang detalye ng pangyayari.


Kuwento niya, taong 2018 daw nang magsimula siyang magpatayo ng bahay. May kinausap siyang contractor at sa loob ng isang taon ay nabayaran niya ito in full.


“Binayaran ko in one year, buo, cash, and then, dapat tapos na siya (ang bahay), may kontrata naman po kami, legal lahat. Hindi natuloy, hindi natapos. Siyempre, stress ‘yun, ‘di ba? Kasi nakapagbayad na po tayo ng malaking halaga,” kuwento ni K.


Pinag-ipunan daw niya ang perang ibinayad at talagang binayaran niya nang buo dahil ayaw daw niyang mangutang or mag-loan sa bangko. Ayaw daw niya nang may iniintindi pang utang.


Mga kaibigan daw niya ang kinuha niya para i-construct ang bahay na kumbaga ay talagang pinagkakatiwalaan niya.


Wala pa raw 35% ang naitayo sa kanyang bahay at pagkatapos daw ay inabandona na ng mga contractors. Ilang beses na raw siyang nakiusap at iniyakan pa niya ang mga ito na kung hindi kayang tapusin ay ibalik na lang ang kanyang pera. Pero wala raw nangyari sa kanyang pakiusap kaya napilitan na siyang magsampa ng kaso.


Napaiyak si K habang ibinabahagi kung paano nawasak ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng simpleng bahay.


“Napakasimple lang po ng bahay, wala pong swimming pool, para sa amin lang po ng anak ko. Ang pinaghandaan ko lang po ru’n, ‘yung walk-in closet, tapos ‘yung mala-spa na banyo. ‘Yun lang.


“Tapos, puro pangako. So, ‘yung anxiety disorder ko, nag-peak. Tapos, siyempre, mga naging kaibigan mo, kaya mas masakit,” emosyonal na sabi ni K.


“Masakit kasi, ang tagal kong nakiusap, ang tagal kong nagmakaawa pero walang nangyari. Kailangan talagang umabot sa ganito, kasi parang wala nang respeto,” she said.


Ayaw nang idetalye pa ni K kung ano ang kasong isinampa niya at kung sinu-sino ang taong involved.


Sa ngayon ay naghihintay daw sila ng sagot mula sa kabilang kampo and from there, saka pa lang malalaman ang susunod na hakbang.


Plano pa rin niya of course na ituloy ang pagpapagawa ng kanyang dream house pero kailangan muna niya ulit mag-ipon. Thankful naman siya na may mga dumarating na projects at hindi naman siya pinababayaan ng kanyang management, ang Cornerstone Entertainment at lagi naman daw siyang binibigyan ng labada (raket).


Kasalukuyan siyang napapanood sa Sing Galing ng TV5 as one of the hosts at may pelikula rin siyang malapit nang ipalabas, ang Will You Marry with Elisse Joson na kinunan pa sa Denmark.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page