top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 27, 2021


ree

Napaka-inspiring ng 10th anniversary video nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipinost ng aktres sa kanyang YouTube vlog titled KathNiel: Isang Dekada.


Inumpisahan nila ang video noong bata pa sila na nagsisimula pa lang sa showbiz at sobrang nakakatuwa ang kanilang humble beginnings. Si Kathryn, ang dami palang auditions na sinalihan noon para makuha lang sa commercial, na pumipila nang maghapon, tapos 30 seconds lang makukuhanan ng camera.


Si Daniel naman, he revealed na sobrang mahiyain siya noong bata at halos ayaw mag-artista. Kapag may look test or audition daw na may script na ime-memorize, nagkaka-anxiety na siya, nanginginig. Ang dami raw niyang tinakasang VTRs noon.


Nakaka-touch din ‘yung kuwento niya na sobrang hirap na hirap na raw sila noon sa buhay at hindi niya kayang makita ang inang si Karla Estrada struggling to make both ends meet.


Hanggang sa dumating ang kuwento nila sa time na nanliligaw na si Daniel kay Kathryn. Last part na raw ng Growing Up na first show nila together nanligaw si DJ hanggang sa Princess and I na first full-length teleserye nila.


Pag-amin ni Kathryn, one year nanligaw si DJ sa kanya at nang nagsisimula na raw ang Princess and I ay sila na. Dumaan daw ang boyfriend sa tamang proseso na nagpupunta pa sa bahay nila at hinaharap ang kanyang inang si Mommy Min Bernardo.


Sobrang nakaka-touch din ang kuwento ni Kathryn kung paano nahirapan si DJ nang gawin niya ang pelikulang Hello, Love, Goodbye with Alden Richards. Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres habang ikinukuwento ito.


“If not for DJ, hindi ko magagawa ang Hello, Love, Goodbye kung hindi siya pumayag and if he didn’t allow me to fly on my own. And you needed that support, you needed that someone to push you para sabihin na ‘Kaya mo ‘yan,’ parang tsini-cheer ka,” sey ni Kath na nagsisimula nang umiyak.


Emosyonal pa niyang patuloy, “Sobrang nahirapan si DJ nu’n, sure ako, na sobra. ‘Pag nakikita ko siya, alam ko, iba siya nu’n, ‘yung mata niya, grabe, sobrang lungkot niya. Pero hindi siya naging selfish and he allowed me to grow on my own because he knew that I needed that.”


Maging siya ay nahirapan din daw talaga dahil sobrang nasanay din siya na si DJ ang kasama niya, pero nakaya raw nilang pareho ang hirap kaya pagkatapos naman daw nu’n ay lalo silang naging matibay.


“After that, grabe, naging solid naman kami talaga pagkatapos nu’n up until now. So I’m really grateful na dumating ang Hello, Love, Goodbye sa amin because it changed us and how we are as boyfriend-girlfriend,” sey ni Kath.

 
 

ANG KOLEKSIYON NG BARIL.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 26, 2021



ree

Super-astig ang bagong YouTube vlog ni Mariel Padilla kung saan ay ipinakita niya ang kanyang koleksiyon ng mga baril. Habang pinapanood nga namin ito ay maiisip mo na lang na asawa nga siya talaga ng isang action star.


May titulong Babae at Baril (My Gun Collection), isa-isang ipinakita ni Mariel ang kanyang mga baril with matching explanation pa.


“Who would’ve thought, right? I know ang mga na-share ko before are my collection of bags, headbands, pati tableware, but I’m really excited to show you all a part of me na hindi n’yo pa nakikita — my guns!


“It all started nu’ng niregaluhan ako ni #RobinPadilla with my first gun and now look where we are. Anu-ano’ng mga collection n’yo?” ang deskripsiyon ni Mariel sa kanyang video.


Una niyang ipinakita ang first hand gun na binili para sa kanya ng mister na si Robin Padilla noong 2011 or 2012. Siyempre, nagulat daw siya dahil hindi naman siya shooter.


Pero mas na-shocked daw siya nang malamang may baril din ang kanyang biyenang si Mommy Eva Cariño-Padilla na mommy ni Binoe.


“I remember, I’ll never forget it. One of the first few times that I’ve met my mother-in-law, she said, ‘Robin, ‘yung shotgun ko, parang kailangan nang lagyan ng langis.’ I was shocked. Imagine, a 70-year-old lady, sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core! Bago pa lang ako nu’n sa pamilya nila. ‘Eto na tayo ngayon, may koleksiyon na rin ako,” pagbabahagi niya.


Kuwento pa niya, of course ay si Binoe ang nagturo sa kanya na magpaputok at noong una nga raw ay talagang takot na takot siya.


“Ten years after, takot pa rin ako. Okay, I still get scared,” she said.


Nilinaw din niyang lahat ng baril niya ay may permit at mayroon din daw siyang lisensiya na ipinakita rin niya lahat.


Kuwento pa ni Mariel, the first time na nakita niyang may dalang baril si Binoe ay noong panahon pa na nagho-host siya sa Wowowee na show nila ni Willie Revillame sa ABS-CBN.


“Ihahatid niya ako sa Wowowee, ito ‘yung isinusuksok niya ru’n sa ilalim ng upuan niya na noong una, na-shocked-shocked pa ako. Sabi ko, ‘Oh, my gosh, ihahatid lang ako sa work, bakit tayo may gun?’ Hindi pa ako masyado nu’n sanay, bago pa lang ako sa Padilla (family), hindi pa ako masyadong goons. Ngayon, goons na ‘to!” sey ni Mariel sa tonong nakakaaliw na siya lang talaga ang meron.


Ibinahagi rin niya na ang mga baril ay nakatago sa isang very secured vault and definitely ay out of reach ng mga bata.


Paglilinaw pa niya, “This is all for collection and this is not used for violence ever. Most of the time, for movies, okay? Of course, nandiyan din ‘yung for security, for protection, yes. Pero never for violence.”

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 24, 2021


ree

Maging si Star for All Seasons Vilma Santos ay nakikisabay na rin sa panahon at magsisimula nang mag-vlog.


Naka-create na siya ng sariling YouTube channel sa tulong ng anak na si Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola.


For her first vlog, ayon kay Ate Vi ay ipapakita niya ang lahat ng kanyang natanggap na acting trophies na in fairness ay first time naman talagang mapapanood.


“Isinama ko na rin po ‘yung ibang mga certificates o ‘yung mga medals po na nakuha ko,” anunsiyo niya sa latest FB Live nila ni Luis.


“Modesty aside po, ha, marami akong awards bilang Best Actress pero ito, some of my trophies po from different award-giving bodies, ipapakita ko po sa aking bagong vlog sa YouTube channel,” aniya.


Mapapanood ang first vlog ni Ate Vi sa Sept. 26 at naglabas na rin siya ng teaser tungkol dito sa kanyang YT channel.


Thankful si Vilma sa kanyang anak and his wife dahil sa dalawang buwang pagbabakasyon ng mag-asawa sa bahay niya ay binuksan ng mga ito ang mata niya sa digital world at nagustuhan naman daw niya. Ang dami nga nilang live na ginawa at halatang enjoy nga ang aktres/pulitiko kaya join na rin siya sa pagba-vlog.


Ayon kay Ate Vi ay excited siya talaga at open naman daw siya na matutunan ang digital world.


Samantala, malungkot si Ate Vi dahil tapos na ang bakasyon nina Luis at Jessy sa bahay niya. Back to work na raw kasi ang anak niya kaya uuwi na ang mag-asawa.


‘Yung two months na pagsasama raw nila ay talagang solid like sabay silang kumakain, nag-e-exercise, nagba-vlog, nagkukulitan at kung anu-ano pang bonding moments na talagang sobrang in-enjoy daw nila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page