top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 03, 2021



ree

Naglabas na ng official statement ang long-time manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila hinggil sa pinag-uusapang health condition ngayon ng Kapuso Ultimate Star.


Sa kanyang Facebook account kahapon ay ipinahayag ni Tita Becky na nasa maayos na kondisyon ang alaga.


“First of all, we would like to express our gratitude to everyone who showed their concern over our artist, Jennylyn Mercado. We would like to assure the public that she is in good condition and in good health.


“On behalf of Jennylyn, we would like to thank GMA Management, her Love. Die. Repeat. co-stars as well as the whole production group for their understanding and support. Thank you,” ang kabuuan ng statement.


Ini-repost din ni Jen ang statement na may caption na “Maraming salamat sa inyong lahat.”


Natuwa naman ang mga fans ni Jennylyn to know na in good health ang aktres at dalangin nila na magtuluy-tuloy ang magandang kalagayan nito.


Ilang araw na ngang usap-usapan ang tungkol sa health condition ni Jen na nagsimula nang mapabalitang na-pack-up ang taping ng Love. Die. Repeat na bago niyang serye sa GMA-7 with Xian Lim.


Reports had it na nagkaroon ng medical emergency si Jen habang nasa locked-in taping ng serye na kinailangan pa umanong sunduin ng ambulansiya.


Nagsimula na ring maglabasan ang mga sitsit na buntis siya na noong una ay blind item pa, hanggang sa napangalanan na siya.


Ang iba ngang netizens ay kino-congratulate na siya na parang sure na sure na sila na preggy si Jen sa first baby nila ng boyfriend na si Dennis Trillo.


In fairness, hindi pa man nga, eh, ang init na ng pagtanggap ng mga tao sa balitang preggy si Jen at happy sila for her and Dennis.


Of course if true, wala namang masama at good news pa nga ito kung tutuusin because sabi nga, a baby is always a blessing lalo pa nga’t matagal na rin ang relasyon nila ni Dennis at malalaki na ang kani-kanilang anak na sina Jazz and Calix.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 29, 2021



ree

Isang magandang balita ang inianunsiyo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang milyun-milyong fans last Monday night sa TV Patrol. Kasabay ng pagdiriwang ng 10th anniversary ng KathNiel ay ibinalita nilang tuloy na tuloy na ang kanilang teleserye na matagal na ngang hinihiling sa kanila ng mga tagahanga.


“Mga Kapamilya, ito na po ang isa sa mga sorpresa na inihanda namin sa inyo at ng ABS-CBN. Finally, ia-announce na po namin na tuloy na tuloy na po ang teleserye namin. Mag-i-start na kaming mag-taping this October. So the title is 2 Good 2 Be True at sana, abangan n’yo and we’re really excited for this project,” ang announcement ni Kathryn.


Sey naman ni DJ, “After 4 years, ‘di ba? Four years nang wala kami sa TV, ‘eto, nagbabalik na kami at magte-taping na kami very soon.”


Mahigit isang taon daw ang inabot ng proseso ng kuwento, konsepto at script ng serye na ididirehe ni Mae Cruz Alviar. At hands-on daw mismo ang KathNiel sa proyekto.


“With the help of the whole production team, Direk Mae, one of our favorite directors and we’re happy that she said yes,” ani Kath.


Ayon pa sa aktres, after Pangako Sa ‘Yo na heavy drama at pagkatapos ay La Luna Sangre na action, gusto raw talaga nilang gumawa naman ulit ng romantic-comedy series dahil Got To Believe pa ang huli nilang rom-com serye.


Bukod dito ay pinakinggan din daw nila ang matagal nang hiling ng KathNiel fans sa kanila at ito nga ay ang pakiligin sila gabi-gabi sa TV.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 28, 2021



ree

Naging matagumpay ang kauna-unahang virtual awarding ng Philippine Movie Press Club para sa ika-36 edisyon ng Star Awards for Movies.


Tinanghal na Best Actress si Sylvia Sanchez para sa pelikulang Jesusa at si Alden Richards bilang Best Actor para naman sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.


Wagi rin bilang Movie Supporting Actor of the Year si Ricky Davao para sa Fuccbois at si Maricel Laxa bilang Movie Supporting Actress of the Year para sa Hello, Love, Goodbye.


Ang Mindanao ng Centerstage Production ang winner ng Indie Movie of the Year at ang Hello, Love, Goodbye naman ang nanalong Movie of the Year. Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang itinanghal na Movie Love Team of the Year.


Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng PMPC sa pangunguna ng presidente na si Roldan Castro sa Film Development Council of the Philippines, Wemsap, Direktor Pete Mariano, sa mga hosts na sina Alfred Vargas at Sanya Lopez, ganundin sa mga performers na sina Jed Madela, Luke Mejares at Regine Velasquez- Alcasid.


Narito ang kabuuang listahan ng mga nagwagi sa 36th Star Awards for Movies:


MOVIE OF THE YEAR: Hello, Love, Goodbye (Star Cinema)


MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Cathy Garcia-Molina (Hello, Love, Goodbye)

INDIE MOVIE OF THE YEAR: Mindanao (Centerstage Productions)


INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Brillante Mendoza (Mindanao)

MOVIE ACTOR OF THE YEAR: Alden Richards (Hello, Love, Goodbye)

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR: Sylvia Sanchez (Jesusa)


MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR: Ricky Davao (Fuccbois)


MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR: Maricel Laxa (Hello, Love, Goodbye)


NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR: David Licauco (Because I Love You), tied with Paolo Marcoleta (Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban)

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR: Michelle Dee (Because I Love You)

MOVIE CHILD PERFORMER OF THE YEAR: Xia Vigor (Miracle In Cell No. 7)

MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR: The cast of Miracle In Cell No. 7 headed by Aga Muhlach


INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR: The cast of John Denver Trending headed by Jansen Magpusao


SHORT MOVIE OF THE YEAR: Forever (Adlibs Entertainment Corp., Institute of the Moving Image, Bandido Media Productions)


SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Domingo Molina (Forever)

TECHNICAL CATEGORIES (Mainstream)


MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR: Cathy Garcia-Molina, Carmi Raymundo, Rona Co (Hello, Love, Goodbye)


MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: Noel Teehankee (Nuuk)


MOVIE EDITOR OF THE YEAR: Vanessa De Leon (Write About Love)


MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR: Maria Rowella Talusig (Quezon’s Game)


MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR: Pat Lasaten (LSS)


MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR: Albert Michael Idioma and Alex Tomboc (Maria)


MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: Araw-Araw (LSS) composed, arranged and interpreted by Ben & Ben.


TECHNICAL CATEGORIES (Indie)


INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR: Arden Rod Condez (John Denver Trending)


INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: Tey Clamor (Metamorphosis)


INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR: Benjo Ferrer (John Denver Trending)


INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR: Brillante Mendoza (Mindanao)


INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR: Teresa Barrozo (Mindanao)


INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR: Fatima Nerrika Salim and Immanuel Verona (Babae At Baril)


INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: Walang Katulad (Immaculada).

SPECIAL AWARDS


MS. ANGIE FERRO: recipient of Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award

Director ELWOOD PEREZ: recipient of Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award


DARLING OF THE PRESS: Joed Serrano


MOVIE LOVE TEAM OF THE YEAR: Kathryn Bernardo and Alden Richards (Hello, Love Goodbye)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page