top of page
Search

ni Lolet Abania | January 21, 2022


ree

Handa nang sumabak ang delegasyon ng Pilipinas para sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games, kung saan umabot ito sa 584 athletes matapos na ma-trimmed down, ayon sa Philippine Olympic Committee (POC).


Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na ang orihinal na plano ay isang 627-athlete contingent subalit napagdesisyunan ng POC, gayundin ni Chef de Mission Ramon Fernandez at ng Philippine Sports Commission (PSC) officials na magkaroon ng kaunting adjustments dahil sa budget constraints.


Ayon kay Tolentino, nabuo ang naturang bilang ng mga atleta sa ginanap nilang meeting nitong Huwebes.


“We understand the situation because of the budgetary constraint in the PSC, so we have to employ belt tightening measures as regards to officials and equipment,” ani Tolentino sa isang statement.


Sinabi rin ni Tolentino na may 80 atleta pa mula sa iba’t ibang national sports associations (NSAs) ang umaapela sa ngayon para makasali sa delegasyon, kung saan nakapasok sila sa ilalim ng Group B category, na ibig sabihin nito ang kanilang mother federation ang sasagot sa kanilang mga expenses sa SEA Games.


Binanggit naman ni Tolentino na hindi pa nadedetermina ng PSC ang eksaktong budget para sa biennial meet subalit una nang inanunsiyo ni Fernandez na posible itong umabot sa halagang P200 million.


Ani pa Tolentino, ang mga atleta ay aalis patungong Hanoi na mahahati sa 2 batches.


Ang unang grupo ay lilipad sa Mayo 6, habang ang isa pang grupo ay aalis naman ng Mayo 10, para mabigyan ng panahon ang ilang indibidwal na makaboto sa May 9 elections.


“Filipino athletes will still be competing in all but one -- xiangqi or Chinese chess -- of the 40 sports in the Hanoi program. They will be divided into four clusters-1A for Hanoi, 1B outskirts of Hanoi and 2A and 2B outside of Hanoi, including canoe-kayak and rowing in Hai Phong,” batay sa statement.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021


ree

Itinanghal na Miss Grand International 2021 ang pambato ng Vietnam na si Nguyen Thuc Thuy Tien.


Ang event ay ginanap sa Thailand nitong Sabado nang gabi.


Bago itanghal na Miss Grand International, nagkaroon muna sila ng tie-breaker question ni Miss Grand Ecuador.


Nang tanungin kung bakit siya ang dapat tanghaling Miss Grand International, “I’m ready to win. I’m ready to be in Thailand for a year.”


Itinanghal naman bilang first runner up si Miss Grand Ecuador, second runner up ang Brazil, third runner up ang Puerto Rico at fourth runner up ang South Africa.


Wagi si Miss Grand Thailand sa evening gown, habang sina Miss Malaysia, Miss Grand Peru at Miss Grand Angola ang nakasungkit sa national costume at Miss Grand Puerto Rico ang nakakuha ng best in swimsuit at si Miss Cambodia naman ang nakakuha ng most popular vote award.


Samantala, bigo na makapasok sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio, kasama ang 30 iba pang kandidato sa finals night ng Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand.


Bago pa ito matanggal ay pasok pa ito sa Top 10 best in national costume at Top 5 sa best in swimsuit sa pamamagitan ng popular vote.


Kung nanalo si Samantha, siya sana ang kauna-unahang Pinay na mag-uuwi ng Miss Grand International crown.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 31, 2021


ree

Hindi dapat ikabahala ng mga Pilipino ang naiulat na hybrid COVID-19 variant sa Vietnam.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes, wala pa umanong natatanggap na detalye ang World Health Organization (WHO) tungkol sa naturang variant.


Aniya, “Ang proseso, ‘pag tayo ay nakaka-detect ng additional mutations o bagong variant sa isang bansa, isina-submit ito sa WHO. Dahil ang WHO ang nagma-manage nito, it’s a system where you classify the variants of concern para lahat ng bansa, alam 'yan at nakapag-iingat.”

Ayon sa ulat ng state media noong Sabado, ang COVID-19 variant na nadiskubre sa Vietnam ang kombinasyon ng Indian at British strains na mabilis kumakalat sa hangin.


Pahayag pa ni Vergeire, "For now, we still don’t have sufficient evidence for this. Hindi natin kailangang mag-panic. Paigtingin lang ang pagpapatupad ng health protocols and we will be protected from any of these variants.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page