top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 24, 2021




Natapos na ang 14-day quarantine ni Pasig City Mayor Vico Sotto, batay sa inilabas niyang pahayag sa kanyang social media account nitong Martes, Marso 23.


Aniya, “My last night of quarantine! Nag-negative ako sa PCR test nu'ng ika-apat na araw mula exposure, kaya safe ‘yung nakasalamuha ko pa nu'ng March 12. Kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14 days dahil ito ang sabi sa DOH Guidelines.


Maaari kasing nag-i-incubate pa lang ang virus." Matatandaang sumailalim siya sa quarantine matapos mamatay dahil sa COVID-19 ang kanyang driver at kabilang siya sa naging close contact nito.


Gayunman, iginiit niya na kahit naka-quarantine ay nagtatrabaho pa rin siya bilang alkalde, habang ang City Hall ay nasa Alternative Working Arrangement.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 15, 2021




Kasalukuyang naka-quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos mamatay dahil sa COVID-19 ang kanyang driver noong nakaraang Biyernes.


Ayon kay Mayor Vico, huli siyang na-expose sa kanyang driver noong Miyerkules bago ito dalhin sa ospital matapos makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.


Pahayag ng Pasig mayor sa kanyang Facebook page, "Following DOH protocol, I will be in QUARANTINE until MARCH 24 (2 weeks from when he last drove for me).


“I will continue working via Zoom and phone.”


Ayon din kay Vico, na-PCR test na silang mga nagkaroon ng close contacts sa kanyang driver at mamayang hapon ang resulta.


Aniya pa, “‘Wag mag-alala, okay naman po kaming lahat... walang sintomas.”


 
 

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021





Nakipagkasundo na ang pamahalaang lokal ng Pasig City sa AstraZeneca COVID-19 vaccine para sa 400,000 doses na nagkakahalaga ng P100 milyon.


Sa tweet ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Lunes, sinabi na "Many of us LGUs signed a tripartite agreement with AstraZeneca and the national gov’t yesterday. Pasig ordered 400K doses (*100M pesos).


Actual quantity & date of delivery will depend on several factors." Sinabi rin ni Sotto na bibili pa ito ng vaccine mula sa iba pang vaccine maker kapag ito ay naging available na at napatunayang epektibo.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Sotto ang ilan sa mga advantage ng AstraZeneca vaccine tulad ng ito ay mas mura, mas madaling ibiyahe at iimbak, epektibo at maraming bansa na ang nag-apruba dito.


Nitong nakaraang Linggo, sunud-sunod na rin ang anunsiyo ng iba pang LGUs na nakipagkasundo na rin sa AstraZeneca COVID-19 vaccine tulad ng Iloilo City (600,000 doses); Caloocan City (600,000 doses); Vigan City (100,000 doses) at Valenzuela (640,000 doses).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page