top of page
Search

ni Info @News | December 21, 2025



Vico Sotto at Discayas

Photo: File / Senate PH / Vico Sotto



Ibinulgar ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pananakot umano nina Pacifico ‘Curlee’ Discaya at Sarah Discaya sa kanilang mga dating empleyado na nais tumestigo laban sa kanila.


Ayon kay Sotto, nanghihingi umano ng pera ang mag-asawa kapalit ng hindi pagsama sa kanilang listahan o ‘ledger’ ng mga sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.


Dagdag pa niya, “Sa nakikita natin, wala talaga silang pagsisisi [at] patuloy pang nagsisinungaling [pati] paiba-iba ng kwento.”


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 4, 2023




Nagpositibo sa coronavirus ang mayor ng Pasig City na si Vico Sotto.


Ipinaalam ni Sotto sa kanyang Facebook account na siya'y may bahagyang sintomas ng COVID-19 at humingi ng paumanhin para sa mga naudlot na gawain na nakatakda ngayong linggo.


Aniya, “Sunod pa rin tayo sa protocol, postponed/via zoom muna lahat hanggang mawala ang sintomas.”


Nagpaalala rin siya na tumataas ang kaso ng pneumonia, at nandiyan pa ang COVID kaya dapat na magsuot ng mask lalo na sa mataong lugar.


Samantala, nagpapakita ang pinakabagong datos mula sa DOH ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa 'Pinas ay umabot na sa 4,125,083 nu'ng Disyembre 1, habang ang mga aktibong kaso ay nasa 3,186.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



Bukas ang Pasig City sa campaign activities ng lahat ng kandidato, national man o local, ayon kay Mayor Vico Sotto.


“As I’ve said before, Pasig is open for campaign activities of all candidates, national and local,” ani Sotto sa isang Facebook post.


Nag-post si Sotto matapos mapag-alamang mayroong kumakalat na isyu online na hindi umano siya nagbigay ng permit sa kampanya ng kandidato.


“May mga gumawa ng kwento na hindi daw ako nagbigay ng permit, pero meron naman talaga. (Mukhang HINDI sa nasyonal nagmula ang kwento kundi dito lang sa lokal. Sana honest mistake lang.)”, paliwanag nito.


Ayon kay Sotto, awtomatiko ang approval ng permits ng city administrator “as long as the venue is allowed and it is properly coordinated for safety/security reasons.”


“KARAPATAN po ito ng mga kandidato at maganda rin pong nakikita at napakikinggan sila ng mamayang pasigueño”, ayon pa rito.


Naglabas ng pahayag si Sotto kasama ang larawan ng sulat mula sa city administrator kung saan makikitang nag-release ng permit ang Pasig para sa campaign rally ni former Sen. Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page