top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2021




Tinanggap na ni Bise-Presidente Leni Robredo ngayong Miyerkules ang kanyang first dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City.


Sa isang statement, sinabi ni Robredo na nagpabakuna siya kasama ang ibang miyembro ng kanyang staff dahil sila ay nasa ilalim ng A3 category o mga taong mayroong comorbidities.


“Done with my first dose of the vaccine. Now being monitored,” ani Robredo. “Everything has been seamless,” dagdag niya. Matatandaang binanggit ni Robredo na mayroon siyang hypertension.


Ang AstraZeneca ay may efficacy rate na 70% matapos ang first dose, base ito sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa.


Tataas naman ang 70% rating nito kapag ang second dose ay natanggap na matapos ang apat hanggang 12 linggo.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 26, 2021


Sinopla ni Vice- President Leni Robredo ang mga opisyal na nagsasabing komunista ang mga organizers ng community pantry at ang ilan na pilit itong hinahanapan ng butas, batay sa kanyang weekly radio program.


Aniya, “May lugar at panahon para sa lahat. Ngayon na maraming nagugutom, maraming nawalan ng hanapbuhay, malaki ‘yung pangangailangan, dapat nga, ‘pag may mga ganitong activities ay sinusuportahan. ‘Di ba dapat nga, gayahin na lang nila, kaysa nag-aaksaya sila ng panahon na maghanap ng diperensiya?”


Kaugnay ito sa napabalitang ‘red-tagging’ umano kay Maginhawa Community Pantry organizer Ana Patricia Non at sa nangyaring insidente sa pantry ng aktres na si Angel Locsin.


Dagdag pa ni VP Robredo, “Napaka-misplaced, napaka-irresponsible ‘yung ginagawa ng ibang mga opisyal ng pamahalaan, na sa pahanong gaya nito, eh, ‘yan ang iniisip nila… Instead na maging thankful na merong isang bata pa na nakaisip ng napakahusay na activity, hinahanapan pa ng diperensiya.”


Samantala, humingi naman ng paumanhin si VP Robredo sa nangyaring delay sa kanyang free medical teleconsultation program.


Paliwanag pa niya, "Pasensiya na po kung mayroong delays, kasi talagang grabe po iyong volume ng requests na pumapasok. Sinusubukan po nating matugunan as soon as possible, pero hirap po talaga."


Sa ngayon ay mayroong 600 volunteer doctors at 1,900 non-medical volunteers ang Bayanihan E-Konsulta na itinayo ng Office of the Vice-President. Maaaring ma-access ang libreng konsultasyon hinggil sa COVID-19 at iba pang sakit sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang Facebook page.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 22, 2021



Negatibo ang COVID-19 test result ni Vice-President Leni Robredo, ayon sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes nang gabi.


Matatandaang sumailalim si Robredo sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang close-in security personnel.


Pahayag ni Robredo, “Got my NEGATIVE RT PCR Result just a few minutes ago.


“I quarantined strictly inside my bedroom for 7 straight days. Went out early this morning to have myself tested and went back to my cave to wait for my result.”


Ngunit kahit na negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test, pinayuhan si Robredo ng kanyang doctor na ituloy pa rin ang 10-day quarantine period.


Aniya pa, “Even if I tested negative already, I was advised by our doctor to finish at least the 10-day minimum quarantine period.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page