top of page
Search

ni Madel Moratillo | February 15, 2023



ree

Handa umano si Vice President Sara Duterte na suportahan ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa relasyon ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.


“Marami pong gender ngayon na kinikilala ang ating society. Naisip ko, sana sa mga susunod na taon, ‘yung ibang gender, katulad ng mga LGBTQI, ay mabigyan din sila ng proteksyon ng batas sa kani-kanilang mga partners at sa kanilang mga relationship,” ani Duterte.


Pero nilinaw ni Duterte na hindi niya tinutukoy ng partikular ang same-sex marriage kundi ang nais lang niya ay proteksyon para sa partnership ng mga ito sa ilalim ng batas.


Kahapon, sinaksihan din ni VP Sara ang kasal ng 64 na magkasintahan sa kasalang bayan na inisponsoran ng Parañaque City LGU.


 
 

ni Lolet Abania | July 10, 2022



ree

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang dati at kasalukuyang mga lider ng bansa ay pinuprotektahan nila nang husto, matapos ang naganap na asasinasyon ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe nitong Biyernes.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, in-full force ang dalawang security groups, ang Presidential Security Group (PSG) at ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG), para siguruhin ang kaligtasan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.


“We have the PSG and the VPSPG to protect the President and the Vice President, respectively. In coordination with these units, we provide additional security coverages in places of their engagements,” pahayag ni Aguilar ngayong Linggo.


Bukod sa mga naturang units, may karagdagang security personnel na kanila ring idine-deployed sa mga lugar na parehong ang Pangulo at Bise Presidente ay binibisita.


Sinabi naman ni Aguilar, nasa PSG at VPSPG na kung paano at anong security setups ang kanilang ipatutupad para mas tiyakin ang kaligtasan ng mga opisyal.


“It is for the units I mentioned to determine force requirements for the security operations. They are led by competent officers,” saad ni Aguilar.


Nitong Biyernes, si Abe na kilala bilang longest serving prime minister ng Japan ay binaril at napatay habang nagde-deliver ng kanyang campaign speech sa lungsod ng Nara, Japan.


 
 

ni Lolet Abania | July 3, 2022


ree

Nagbukas na ng satellite offices ang Office of the Vice President (OVP) sa anim na siyudad sa bansa na layong makapagbigay ng serbisyo na magiging accessible sa mas maraming Pilipino, ayon kay Vice President Sara Duterte nitong Sabado.


Sa isang Facebook post, sinabi ni VP Sara na inilagay ang mga OVP satellite offices sa mga lungsod ng Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII).


“Nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” caption ni VP Sara sa kanyang post.


Una nang inanunsiyo ni VP Sara na magbubukas siya ng mga OVP satellite offices bago pa ang kanyang oathtaking bilang vice president noong nakaraang buwan.


Bukod sa pagiging bise presidente, si VP Sara ay itinalaga ring Department of Education (DepEd) secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Sa Lunes, Hulyo 4, gaganapin ang isang joint farewell at welcome ceremony ng DepEd. Papalitan ni VP Sara si dating DepEd Secretary Leonor Briones.


Sinabi naman ni VP Sara na pag-aaralan niya ang posibilidad ng full resumption ng face-to-face classes bagaman ang bansa ay nananatili sa ilalim ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon pa kay VP Sara, inatasan na siya ni Pangulong Marcos na i-review ang K to 12 program ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page