top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 4, 2021




Nabakunahan na ng Sinovac kontra COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila ngayong araw, Abril 4.


Ayon sa ulat, si Vice- Mayor Dr. Honey Lacuña ang nagturok sa alkalde na nasa A3 priority list, kabilang ang edad 18 hanggang 59 na may comorbidities.


Matatandaang inaprubahan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapaturok ng mga alkalde kontra COVID-19 sa mga high-risks na lungsod at munisipalidad.


Umabot na sa 3,179 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Maynila, habang 4,012 ang active cases, 38,258 ang gumaling at 909 ang namatay, batay sa huling tala. Samantala, inilalaan naman ng pamahalaang lungsod ang bakunang AstraZeneca para sa mga prayoridad na senior citizen.


“The best vaccines are those vaccines available nowadays. The most efficient vaccine is the one in your arms," giit pa ni Moreno.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 30, 2021




Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi required ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Identification Number (PIN) para makapagpa-register para sa COVID-19 vaccination.


Naglabas ng pahayag ang DOH kaugnay ng social media post ng health insurer kung saan pinaalalahanan ang mga miyembro na nais magpabakuna na tandaan ang kanilang PIN para maka-avail ng PhilHealth benefits.


Pahayag ng DOH, “The Department of Health (DOH) clarifies that PIN is not a requirement to register for and receive the COVID-19 vaccine, and is only required when claiming PhilHealth benefits in cases of adverse events following immunization (AEFI).”


Saad pa ng DOH, “To ensure Philhealth coverage of Filipinos who are not yet registered to Philhealth in cases of AEFI that need hospitalization, the government will set up registration booths at official vaccination sites to facilitate onsite PhilHealth registration.”


Ayon din sa DOH, sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Law, ang lahat ng Pilipino, “whether direct or indirect contributors” pati ang mga dependents ng contributors, indigent members, senior citizens at persons with disabilities ay “automatic members of PhilHealth.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 27, 2021




Mahigit isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang inaasahang ide-deliver sa bansa kada buwan upang makumpleto ang 25 milyong doses na in-order ng pamahalaan sa China, ayon sa pahayag ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago ‘Chito’ Sta. Romana ngayong araw, Marso 27.


Aniya, “After that, every month, ang plano ng gobyerno is roughly one to two million doses every month from Sinovac for a total of 25 million by the end of the year.”


Nauna nang dumating ang donasyong 600,000 doses ng Sinovac noong Pebrero at sinundan ng 400,000 doses nitong ika-24 ng Marso.


Inaasahan namang darating sa Lunes ang biniling 1 milyong doses na bakuna upang iturok sa mga frontliners at mga susunod na prayoridad sa listahan.


Bukod dito, mahigit 525,000 doses ng AstraZeneca na rin ang dumating sa bansa.


Sa ngayon ay Pfizer-BioNTech, Sputnik V, AstraZeneca at Sinovac pa lamang ang mga bakunang aprubado ang emergency use authorization (EUA).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page