top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2021


ree

Maaari na ring magpabakuna laban sa COVID-19 kahit ang mga hindi residente ng Mandaluyong, ayon sa Public Information Office ngayong Biyernes.


Ayon sa Mandaluyong City Public Information Office, kailangan lang magparehistro sa MANDAVAX ( www.mandaluyong.gov.ph/vaccine/ ) ang mga nais magpabakuna laban sa COVID-19 na hindi residente ng naturang lugar.


Pagkatapos magrehistro, makatatanggap ng tawag o text mula sa MANDAVAX Call Center kung saan, kailan at anong oras pupunta.


Paalala rin ng lokal na pamahalaan, huwag kalimutang magdala ng government o valid IDs.


Saad pa ng Mandaluyong PIO, “Strictly by APPOINTMENT, HINDI MAAARI ang WALK-IN.”

 
 

ni Lolet Abania | August 15, 2021


ree

Pinag-iisipan ng Department of Health na isama sa priority sector ng pagbabakuna ng gobyerno kontra-COVID-19 ang mga kasambahay ng mga senior citizens kasabay ng patuloy na paghahanap ng mga awtoridad ng supply ng bakuna.


Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, binubuo na nila ang mga guidelines para sa polisiya sa gitna ng pagdami ng bilang ng mga fully vaccinated na seniors sa buong bansa na umabot na sa 43% ang kabuuan.


“We are coming up with another strategy – ‘yung A2 (senior citizens) plus one. Ibig sabihin, senior citizen, dinala ng household member, pati ang household member, babakunahan,” sabi ni Cabotaje, chairwoman din ng National Vaccine Operations Center (NVOC).


Sinabi pa ni Cabotaje na posibleng isama sa pagbabakuna ang household member na nag-aalaga mismo sa senior citizen. Gayundin, ayon sa kalihim, ang mga nasa A3 o people with comorbidity members at kanilang caretakers ay maaari na ring mabakunahan. Samantala, hanggang nitong Agosto 12, nakapagtala na ang National Task Force against COVID-19 ng 12,282,006 Pilipino o 17.19% ng eligible target na populasyon ng bansa na nakakumpleto ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.


Ang mga eligible target population ay mga nasa edad 18 at pataas. Nasa 26,677,269 doses naman ng COVID-19 vaccines ang na-administer na mula sa 41,515,350 doses ng bakuna na na-secure ng pamahalaan mula sa iba’t ibang manufacturers.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 14, 2021


ree

Nakikipag-ugnayan ang mga Metro Manila mayors sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa isinusulong na unified vaccination card.


Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa isang panayam, isinumite na umano ng mga lokal na pamahalaan sa DICT ang listahan ng mga bakunado nang residente para sa naturang vaccine card project.


Aniya, “Napag-usapan po namin ‘yan sa Metro Manila Council. In fact, ‘yung aming mga IT ay patuloy na nagda-download na po sa DICT para sa unified vaccination card. So, tuluy-tuloy po na ginagawa ‘yan ng LGU rito sa Metro Manila."


Aniya, bago matapos ang buwan ng Agosto ay inaasahang maisusumite na rin ang lahat ng listahan ng mga LGUs.


Saad pa ni Olivarez, “Lahat naman po kaming LGUs, may system kami… I-download lang ‘yan sa DICT para sa concentration ng data para roon sa unified vaccination card."


Samantala, noong Huwebes pa inatasan ng DICT ang mga LGUs na magsumite ng listahan ng mga bakunado nang residente na kanilang nasasakupan at ayon kay Secretary Gregorio “Gringo” B. Honasan II, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa Department of Health para sa vaccine certificate na ibibigay sa mga nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page