top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | December 2, 2022



ree

Hindi na kailangang umasa ang Creamline kay import Yeliz Basa dahil mismong ang all-Filipino crew ay nagpasabog kontra Chery Tiggo, 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 nang umusad ang Cool Smashers tungo sa bronze sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum kahapon.


Pinaupo ni Coach Sherwin Meneses si Basa sa bench dahil sa injury kaya namahala na ang locals tungo sa record grand slam bid.


Samantala, hindi naman daw nandaya si Manny Pacquiao, aniya noong Miyerkules ng gabi nang talunin niya si Australian fighter Nadal Hussein sa kanilang 2000 fight.


Nag-react si Pacquiao sa sinabi ni retired referee Carlos Padilla na siyang nag-officiate ng naturang laban sa Antipolo City noon at aniya, natulungan niya ang kababayan na magwagi nang "pahabain" ang standard 10-count nang bumagsak si Pacman at nahilo sa 4th round.


"Hindi man daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro siyempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman 'yung tama," sabi ni Pacquiao sa ABS-CBN online habang nasa training sa General Santos City. "Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That's his problem, not mine," dagdag niya hinggil kay Padilla.


Sinabi naman ni Buboy Fernandez, ang long-time confidante at trainer ni Pacman na ang naturang insidente ay kargo ni Padilla at hindi sa kanila. "Alam naman ng tao kung sino may kasalanan diyan," saad ni Fernandez. "Kaya naman kami sa team namin wala kaming comment. Alam niya naman eh, siya naman ang referee.”


Edad 21 si Pacman at sumisikat na noon nang sumagupa siya sa 10 rounds kontra Hussein para sa WBC International super-bantamweight title sa Ynares Sports Center noong Okt. 14, 2000.


 
 

ni VA - @Sports | December 1, 2022



ree

Ginapi ng National University (NU) Lady Bulldogs ang Ateneo de Manila University, 83-64 sa kanilang Final 4 match kahapon sa UAAP Season 85 women's basketball tournament sa Araneta Coliseum.


Dulot ng nasabing panalo, naitala ng Lady Bulldogs ang kanilang ikawalong sunod na finals appearance bukod sa pagkakataong makamit ang ikapitong sunod nilang titulo.


Ngayon na lamang ulit nakaranas ang NU na makalaro sa Final 4 mula noong 2013 matapos mabigong makumpleto ang elimination round sweep nang matalo sila sa De La Salle sa second round. Umiskor ang Gilas Women's standout na si Clarin ng 19 puntos na kinabibilangan ng limang triple upang pamunuan ang nasabing panalo.


Nagsimulang kumalas ang NU sa kalagitnaan ng third canto kasunod ng pagdikit ng Blue Eagles sa iskor na 54-48.


Nagsalansan ang NU ng 17-2 run sa pagitan ng third at fourth quarters, upang itayo ang 72-50 bentahe na hindi na nila binitawan upang siguruhin ang panalo.

 
 

ni VA / MC - @Sports | November 27, 2022



ree

Hindi binigyan ng tsansa ng Phoenix Super LPG ang Terrafirma Dyip sa halip tinambakan pa ang all-Filipino team ng 51 puntos, 135-84 paras magka-tsansa pa ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.


Wala nang inaksayang oras ang Fuel Masters sa panlulunod sa Dyip iniwanan na halos sa 67-30 lead na maituturing na pang-5 sa all-time most lopsided first half sa league history.


Samantala, paiigsiin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 2023 Governors’ Cup upang mabigyan ang Gilas Pilipinas ng preparasyon para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa May.


Hindi pa naisasapinalisa ang iskedyul pero ayon kay Commissioner Willie Marcial na ang season-ending conference ay may five game days a week pareho sa Philippine Cup, at posibleng may triple-headers na rin.


Samantala, napatalsik ang host nation na Qatar sa World Cup noong Biyernes na may isang laro pa sa Group A matapos hawakan ng Ecuador ang Netherlands sa 1-1 na tabla.


Nauna nang bumagsak ang Qatar sa ikalawang sunod na pagkatalo sa torneo, natalo sa 3-1 sa Senegal na nangangahulugang kailangan nila ng Ecuador upang talunin ang Dutch upang manatili sa contest.


Samantala, maliwanag ang kinabukasan ng PHL sports ang pagpasok sa listahan ng batang 11-anyos na climber na si Praj dela Cruz.


Si Praj, na ang mga magulang ay climber din, ay nakilala sa kompetisyon at kasalukuyang naghahanda para sa Asian Youth Cup sa India. Nagustuhan ni Praj ang sport climbing tulad ng kanyang mga magulang na climbers din. “Sa Pilipinas kasi, ‘pag umaakyat ‘yung mga bata, sinasaway, ‘Uy mahuhulog,’ Pinagbabawalan agad.


Dahil pareho kaming climber ng wife ko, hinahayaan namin siya, kami na sa likod,” ayon sa ama ni Praj na si Bidz.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page