top of page
Search

ni VA / MC @Sports | December 28, 2022



ree

Bagamat nakalalabas na ang mga atleta matapos ang pandemya at nakasabak na sa mga lokal at international competitions ay hindi maitatangging patuloy ang lakas ng mga malulupet na atletang tulad nina 2021 Tokyo Olympics gold medalist at 2022 World Champion 2022 Hidilyn Diaz, Olympic silver medalist Carlos Yulo, 2022 U.S.


Open junior champion Alex Eala. Sila ang pawang kuminang ang career sa international competitions bilang mga indibidwal na atletang Pinoy nitong 2022.


Bilang bahagi ng yearender, bukod sa kanilang tatlo ay may iba pang pinakamalalaking pangalang atleta ang tumingkad sa kanilang mga karera nitong nagdaang 12 buwan.


Naging WBC Featherweight champ si 4. Mark "Magnifico" Magsayo kontra Gary Russel sa U.S. Umukit ng pangalan si unang bahagi ng buwan si Vincent "Asero" Astrolabio nang talunin si Olympic gold medalist Guillermo "The Jackal" Rigondeaux ng Cuba.


Naka-3 gold sina Rogen Ladon, Riza Pasuit at Hergie Bacyadan sa Thailand Open boxing.


Silver medalist si 5. Eljay Pamisa sa Asian Junior Boxing Confederation. Nagkampeon sa Ronda Pilipinas si 6. Ronald Lomotos, individual leader si Ronald Oranza.


Eksplosibo naman sa MMA ang mga pangalang Lito Adiwang, 7. Jeremy Miado at Stephen Loman nang magwagi sa ONE X.


ree

Nag-5th place si golfer 8. Rianna Malixi sa U.S. Juniors. Champ sa Epson tour si Dottie Ardina. Nagkampeon sa East Coast at 5th place si Del Rosario sa U.S. Women's Pro golf.


2nd place naman si Justin Quiban sa Asian golf tour sa Thailand.


Kampeon sa rapid tour UAE si Rustum Tolentino at Matikas din sa UAE chess si Reggie Mel Santiago. Dinomina nina IM Rolando Nolte at FIDE Master Cherry Ann Mejia ang PSC-NCFP. Nagkampeon sa MVP Badminton sina Ros Pedrosa at Mikaela De Guzman.


Gold sa Singapore open ang heptathlete na si 9. Sarah Dequinan.


Unang lumakas ang women's football team sa AFC Women's Asian Cup nang talunin ang Thailand. Nagawa nilang umabanse sa FIFA Women's World Cup 2023 nang talunin ang Taiwan sa AFC.


Pagdating sa virtual competition, 8 medalya ang national rowers team sa pangunguna ni Tokyo Olympian Cris Nievarez sa 2022 Asian Rowing Virtual Indoor C'ships. Gold at Silver sa world poomsae online world taekwondo sina Rodolfo Reyes at Ernesto Guzman.


Runner-up si Nelman Lagutin sa mind games blitz chess, UAE.


Pagdating sa team competition, 1. bronze medalist sa Thai volleyball sina Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat sa Volleyball Thailand League.


Naghari sa Oklahoma One Pocket sina 2. Roberto Gomez at Carlo Biado. Nag-top 5 sa world 10-ball C'ships sa Las Vegas si Rodrigo Geronimo.


Third place ang 3. 'Pinas sa ABL Int'l Champions Cup sa Indonesia. Kampeon ang Cebu Chook sa Asia-Pacific Super Quest 3x3.


 
 

ni VA / MC - @Sports | December 27, 2022



ree

Pasok na sa Philippine junior team si Alexander Georg Eichler dahil sa triple-gold performance sa 44th Southeast Asian Age (SEA) Group Swimming Championships.

Ang 15-anyos na si Eichler, na Pinay ang ina at Aleman ang ama ay namuno sa 50-meter, 100-meter at 200-meter butterfly sa Boys’ 14-15 Group 2 category sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Dis. 17 - 19.

Rumehistro siya ng 26.09 seconds sa 50-meter butterfly at ungusan si Jeremy Elyon Ganesha ng Indonesia (26.16) at Nusit Suwanhiranporn ng Thailand (26.38).

Sa 100-meter butterfly, naorasan si Eichler ng 56.62 seconds at talunin si Ibrahim Faqih ng Indonesia (57.53) at Muhammad Dhuha Zulfikry ng Malaysia (57.99). Nabura rin niya ang tournament record na 56.9 seconds na itinala ni Vietnamese Ngo Dinh Chuyen noong 2016.

Ang panalo ni Eichler sa 200-meter butterfly na naorasan ng 2:07.04 ay wagi vs. Ngoc Minh Hoang Tan ng Vietnam (2:09.37) at Wongsakorn Patsamarn (2:09.37).

Ang 5-foot-9 na si Eichler ay bahagi ng silver-medalist team sa 18-and-under 4x100-meter relay team kina Jamesray Misael Ajido, Ivo Nikolai Enot at Jalil Sephraim Taguinod.

Mayroon din siyang two bronze medals mula sa boys 4x100-meter freestyle relay kakampi sina Ajido, Santos at Juan Marco Alfonso Daos, at mixed 4x100-meter freestyle relay kina Enot, Amina Isabelle Bungubung at Filipino-British Heather White.

Si Eichler ay incoming Grade 10 student sa Elly-Heuss-Schule Wiesbaden, na may Sports Talent Promotion Program sa swimming. Pinakabata siya sa dalawang anak ni Pinay Caroline Paredes at Christoph Eichler, isang Information Technology consultant.

Ang 19-anyos na si Adrian Phillip ay miyembro ng Philippine team at sumagupa sa 2022 Vietnam SEA Games, 2019 World Junior Swimming Championships sa Budapest, Hungary, at sa SEA Age Group Swimming Championships sa Manila (2018) at Cambodia (2019).

Ang 2022 SEA Age Group Championships ang ikalawang international tournament ni Eichler matapos ang 8th FINA World Junior Championships sa Lima, Peru noong Setyembre.

 
 

ni VA / MC - @Sports | December 19, 2022



ree


Pamilya ng mga siklista, pinadyak nina Emmanuel Arago at Maritanya Krog ang gold medal sa criterium event ng PSC-Batang Pinoy National Championships - Cycling na nagsimula at nagtapos sa Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur.


Naghari si 13-yer-old Arago ng Batangas City sa Boys Under 13 matapos irehistro ang 36 minuto at 05 segundo sapat upang sikwatin ang ginto sa event na suportado at inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel "Noli" M. Eala.


Dominado ni Arago ang karera dahil malayo ang agwat nito sa pumangalawa at sumikwat ng silver medal na si Dashel Carmona ng General Santos na nakapagtala ng 38 minuto at 05 segundo, bronze naman ang kinalawit ni DJ Perez ng Pangasinan.


"Hindi ko inaasahan, nagulat ako sa panalo ko, umpisa pa lang kumawala na ako tapos noong malapit na sinasabihan na ako na hinay-hinay na kasi malaki ang agwat ko," masayang sabi ni Arago na idolo si former Ronda champion Ronald Oranza.


Hindi naman nagpadaig si Krog, 13, Grade 9 student ng Baesa High School sa Caloocan, hinablot nito ang gintong medalya sa Girls 13 and below sa nilistang 37 minuto at 43 segundo sa 30 minutes plus 3 laps.


Naka-silver si Maria Louisse Alejado ng Iloilo (00:39:12.067) habang bronze ang naiuwi ni Jhanah Abella ng Calapan (00:39:16.426).

Sina Jacqueline Joy De Guzman ng Quezon City at Chris Andreu Ferrer ng Cebu ang nanalo sa Girls, Boys 14 to 15 Under ayon sa pagkakasunod.


Samantala, ang ibang nakapitas ng gintong medalya sa day 2 ng grassroots development program ng PSC ay sina Sophia Angela Dela Vega ng San Jose Ciity, (long jump), Kristian Yugo Cabana ng Lucena City, (swimming), Kyla Louise Bulaga ng La Union (swimming), Ellaine Jane Calunsag (weightlifting) at Hannah Shene Cabalida (weightlifting).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page