top of page
Search

ni VA @Sports | April 15, 2023



ree

Nagtungo sa bansang Japan ang Philippine women’s volleyball team para sa dalawang linggong training camp bago sumabak sa Southeast East Asian Games sa Cambodia sa susunod na buwan.

Pinangungunahan ni team captain Alyssa Valdez, hangad ng koponan na mawakasan na ang napakatagal ng medal drought sa women's volleyball ng biennial meet.

Kasama ni Valdez na nagtungo ng Japan sina Philippine National Volleyball Federation chairman for the national team commission Tony Boy Liao, national team head coach Jorge Souza de Brito, assistant coaches Sherwin Meneses, Cherry Rose Macatangay, trainer Raffy Mosuela, at strength and conditioning coach Grace Gomez.

Naroon din ang mga kakampi ni Valdez sa Creamline na sina Jia De Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Ced Domingo, Michele Gumabao, at Kyla Atienza, ang Cignal duo nina Maria Angelica Cayuna at Glaudine Troncoso, Bang Pineda ng Akari, Dell Palomata ng PLDT, Cherry Rose Nunag at Katrina Mae Tolentino ng Choco Mucho at si Mylene Paat ng Cherry Tiggo.


Pagkatapos ng dalawang linggong training,didiretso na ang koponan sa Cambodia.


Base sa draw, ang mga Pinay ay napabilang sa Group B kasama ng reigning silver medalist Vietnam, host country Cambodia at Singapore.

Nagkasama-sama naman sa Group A ang defending champions Thailand, last edition’s bronze medalist Indonesia, Myanmar at Malaysia.


Magsisimula ang indoor volleyball competition sa Cambodia SEA Games sa Mayo 3 sa Morodok Tecno Elephant Hall, dalawang araw bago ang opening rites sa Mayo 5.

 
 

ni VA @Sports | April 5, 2023


ree

Winakasan ng Chinese-Taipei ang 3-game winning streak ng Philippines women softball squad na kilala rin bilang RP Blu Girls matapos nilang blangkahin ang mga Pinay, 5-0 noong Lunes ng hapon sa pagpapatuloy ng Women’s Softball Asia Cup sa Songdo LNG Baseball Stadium sa Incheon, South Korea.

Pinaulanan ng mga Taiwanese ang mga Pinay ng hits sa ilalim ng 6th inning kabilang na ang homerun ni Li Szu-Shih upang dominahin ang laro.


Nabigo ang Blu Girls na maipagpatuloy ang momentum mula sa 10-0 panalo nila kontra Thailand kaya sumadsad sila sa unang pagkakataon matapos ang unang apat na laban.


Dahil sa kabiguan, nakatabla sa kanila ang Taiwan sa ikalawang posisyon sa team standings ng torneong nagsisilbing qualifier para sa XVII WBSC Women’s Softball World Cup sa Hulyo.

Nagsimulang umiskor ang World No. 3 ranked Chinese-Taipei sa ilalim ng second inning kung saan tumapak sa homeplate sina Li, Ko Chia-Hui at Chiang Ting-En para sa 2-0, kalamangan.


Mistula namang namatanda ang Blu Girls na Hindi nakaporma sa kabuuan ng laban kumpara sa ipinakita nilang dominasyon sa unang tatlo nilang laro.

 
 

ni VA @Sports | April 3, 2023


ree

Dahil sa patuloy na pagyabong ng gaming industry sa buong mundo, may isang bagong national esports tournament na nalikha.

Inorganisa ng ILO Esports sa pakikipagtulungan ng National Youth Commission, nabuo ang E-Palarong Pambansa na dinisenyo gaya ng taunang multi-sport event na Palarong Pambansa kung saan nagtutunggali ang atletang mag-aaral na kumakatawan sa iba't-ibang rehiyon ng bansa.

"Modeled after the Palarong Pambansa which is mandated to be conducted annually, the E-Palarong Pambansa is a multi esports tournament platform where we will enjoin the SK through the National Youth Commission and we'll have several games from May to July," pahayag ni E-Palarong Pambansa project lead Jamar Montehermoso.

Naging matagumpay ang Pilipinas sa gaming sa mga nagdaang taon partikular sa Mobile Legends: Bang Bang kung saan ang Pinoy ang defending champion sa world championship at Southeast Asian Games.

Plano ng E-Palarong Pambansa na gawing pundasyon ang nasabing tagumpay upang matulungan ang mga kabataan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili bilang mga makabayan.

"This event's goal is to provide a platform to every e-sports fan nationwide and establish a network of Filipino e-sports organization," ayon pa kay Montehermoso. "It is our goal to create a stable and sustainable grassroots esports ecosystems to promote esports as a supplementary part of a holistic development of the Filipino youth," dagdag nito.

Tampok sa E-Palarong Pambansa ang limang laro na kinabibilangan ng tatlong mobile games at dalawang PC games na aalamin sa pamamagitan ng botohan na magsisimula ngayong Abril 3.

Bukod sa torneo, magsasagawa rin ang E-Palarong Pambansa ng paghahanap ng mga shoutcasters na siyang magbibigay ng 'live commentary' at 'in-depth analysis' ng mga laro.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page