top of page
Search

ni VA @Sports | May 21, 2023


ree

Inanunsiyo ni Christian Standhardinger na lilisanin na niya ang paglalaro sa Gilas Pilipinas matapos ang gold medal na nakuha sa nagdaang Southeast Asian Games sa Cambodia.


Isa isang mahaba at emosyonal na post sa kanyang social media accounts, sumunod na ang Barangay Ginebra big man sa mga yapak ng kapwa Gilas stalwart na si Jayson Castro na maipasa ang laro sa mas batang Filipino players. "With a heavy heart, I must announce my retirement from the Philippine national team. I am immensely proud to witness that Gilas is in capable hands," ayon sa Fil-German.


Hindi na raw aniya kaya ng katawan ni Standhardinger ang mga sunud-sunod na demands sa scrimmages ng national duty kasabay pa ng paglalaro sa mother club ng PBA. Doon niya naramdaman sa Cambodia ang hirap sa paglalaro pagdating ng SEA Games finals.


Samantala, gaya ng nakagawian, hindi lang mga pangunahing student-athletes ang nakatakdang bigyan ng parangal kundi pati mga mahuhusay na collegiate coaches sa nagbabalik na Collegiate Press Corps Awards Night.

Nakatakdang gawaran ng pagkilala bilang mga Coaches of the Year sa nakalipas na tatlong seasons ng kani-kaniyang liga sina coach Bonnie Tan ng Colegio de San Juan de Letran, coach Tab Baldwin ng Ateneo de Manila University at coach Goldwin Monteverde ng University of the Philippines.

Ginabayan ni Tan ang Knights sa tatlong sunod na kampeonato sa NCAA habang Coach of the year naman si Baldwin sa nakaraang 2019-2020 at 2022-2023 UAAP Season.


Si Monteverde naman ang nagwagi noong 2021-2022 Season ng UAAP. Nagbabalik ang Collegiate Press Corps Awards matapos mahinto ng halos apat na taon mula noong 2019.


Idaraos ang awards night sa The Hummington Rooftop Bar sa Quezon City sa Mayo 29.


Hindi nagpahuli ang gymnastics sa gold medal nang makuha ang ika-21 ginto para sa medal count ni Juancho Miguel Eserio sa men's vault sa iskor na 14.425 na sinegundahan ng Thailand 14.150 at 3rd ang Vietnam sa 14.050. Maaga ring naka-gold medal si John Ivan Cruz sa men's floor exercise sa 13.850 points sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Wala sa final round si defending champion Carlos Yulo dahil sa may alituntunin na ang gymnast ay pinapayagan lang ang maximum na 2 events sa finals at ang isang bansa ay isa lang ang atleta kada event. Kahapon ay silver medal si Yulo sa rings final sa iskor na 14.000.


Naunang naka-silver medal ang team nina Tokyo Olympian Carlos Yulo, Juancho Miguel Besana, Ace de Leon, Jhon Santillan at Jan Timbang sa Men’s Artistic Gymnastics All-Around Team event sa total score ng 305.25.


Sa larangan ng Kun Khmer ay nagdagdag ng bronze medal si Zyra Bon-as sa women's 51 kg competition nang sumuko siya kay Soeng Moeuy ng Cambodia sa semis, 27-30.


Tig-isang tanso naman sina Felex Cantores sa men's 67 kg ng Kun Khmer at si Aime Ramos sa Vovinam ng women's 50 kg event.


Nagkasya rin sa mga tanso sina Janah Lavador sa Women's Aspect Broadsword Single Form ng Vovinam at si Phillip Delarmino sa Kun Bokator men's combat 60 kg category. Nakatiyak naman ng bronze medal si WIM Venice Narciso sa highly competitive na Chess Ouk Chaktrang Women's Singles 60-Minute event.

Makakaharap niya ang kapwa Pinay WIM Shania Mae Mendoza sa all-Filipina semifinals kung saan si Shania ay abanse sa gold medal match.


Naka-bronze naman ang Sibol CrossFire, ito ay nang talunin ng Pinoy ang Laos kahapon na unang nakatiyak sa podium laban sa Vietnam sa semifinals. Ang Vietnam, na unang tinalo ang Sibol para sa gold medal noong 2022 SEA Games sa Hanoi ay muling nakatikim ng husay ng Filipino national team.




 
 

ni Anthony E. Servinio / VA @Sports | May 20, 2023


ree

Mga laro ngayong Sabado – Glorietta Makati

3:00 PM Manila vs. Ub

7:00 PM Manila vs. Utsunomiya


Makakasaksi muli ng pinakamataas na antas ng 3x3 sa ikalawang edisyon ng FIBA 3x3 World Tour Manila Masters ngayong Mayo 20 at 21 sa Glorietta Activity Center. Isang dosenang koponan mula sa 10 bansa ang magtatagisan para sa $40,000 (P2.245M) sa pangunguna ng defending champion Ub Huishan NE ng Serbia at host Manila Chooks ng Pilipinas.


Maraming pagbabago sa Manila at lumipat sa kanila ang numero unong Pinoy sa FIBA 3x3 World Ranking na si Mark Jayven Tallo mula sa Cebu Chooks at mga bagong pirmang sina Paul Desiderio at Calvin Payawal. Tanging si Dennis Santos ang babalik sa koponan.


Kabaligtaran ang sa Ub at babalik ang parehong apat na naghari noong nakaraang taon na sina Strahinja Stojacic, Marko Brankovic, Dejan Majstorovic at Nemanja Barac na kasalukuyang unang apat sa World Ranking. Si Majstorovic ang napiling MVP ng unang Manila Masters at itinuloy nila ang magandang porma hanggang magwagi sa 2022 World Tour Grand Finals sa Abu Dhabi.


Samantala, kasunod ng naging matagumpay nilang pagbawi sa gold medal para sa men's basketball sa nakaraang 32nd Southeast Asian Games, naka-focus na ngayon ang Gilas Pilipinas sa paghahanda sa gagawin nilang pagsabak sa darating na FIBA World Cup sa Agosto kung saan isa sa co-host ang Pilipinas.

Sang-ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy director Butch Antonio magtutungo ang Philippine men's basketball team sa Lithuania para sa isang training camp sa Lithuania. "That's where we are headed, in Lithuania, maybe last week of June but we will still sit down and discuss things with coach Chot," pahayag ni Antonio.

Pinag-uusapan din aniya ang posibleng pagsama ni NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas sa Lithuania.

 
 

ni VA / MC / Clyde Mariano @Sports | May 18, 2023


ree

Kumamada pa ng limang gintong medalya ang Pilipinas sa huling araw ng kompetisyon sa 32nd SEA Games sa Cambodia para sa ika-58 gold si Claudine Veloso sa Kickboxing Female -52kg laban sa Vietnam. Pagdating sa ika-57 gold ay nakuha ito Gretel De Paz para sa -56kg Kickboxing low kick.


Naunang naka-ginto para sa 55th gold si Ronil Tubog sa Men's freestyle 61kg wrestling category habang nasa 54th si Crisamuel Delfin sa arnis sa Individual Anyo Non-Traditional Open Weapon. Habang ang ika-53 gold na naitala ang nakaungos sa gold medal finish ng Pilipinas noong 2021 Hanoi SEA Games nang sungkitin ng Pinay arnisador na si Trixie Lofranco ang karangalan sa Women's Individual Anyo Non-Traditional Open Weapon category.


Silver medalist naman sa Women's Epee Team sina Ivy Dinoy, Hanniel Abella, Andrea Matias, at Alexa Larrazabal sa Fencing, pilak din ang arnis women's team nina Jeanette Agapito, Mary Allin Aldeguer, at Ma. Crystal Sapio sa Women's Team Anyo Non-Traditional Open Weapon event.


Sa men's freestyle -92kg wrestling ay silver si Jefferson Manatad maging ang National Men's Floorball Team ay silver din habang pilak din si Chino Sy Tancontian sa Men's Freestyle -97kg class ng Wrestling.


Sa kickboxing-men's lowkick -67 kg ay silver si Jeremy Pacatiw, maging ang cricket National Women's team ay nakapilak sa Women's T10. Hindi nagpahuli si Gina Iniong sa silver medal ng Women's Kick Light -55kg class ng Kickboxing.


Sa larangan ng jetski ay bronze si Billy Joseph Ang sa runabout 1100 Stock class ng Jet Ski competition, bronze din ang Philippine Fencing Men's Foil Team maging ang Arnis Men's Team nina Jeric Arce, Mark Puzon at Mack Pineda sa bronze medal ng Men's Team Anyo Non-Traditional Open Weapon tournament.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page