- BULGAR
- Aug 19, 2023
ni MC / VA @Sports | August 19, 2023

Maibalik sa kanilang "game shape" sina Scottie Thompson at Kai Sotto ang pinagsisikapan nina Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes Bago sumabak ang koponan sa una nitong laban kontra Dominican Republic sa opening day ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena.
Noon lang nakaraang Linggo nagsimulang mag-ensayo muli sina Thompson at Sotto para sa Gilas makaraang mabigyan ng go-signal ng doktor matapos nilang maka-recover sa kanilang injuries.
"Last Sunday, kumpleto nang lahat, full contact, no limitations and no restrictions," pahayag ni Reyes.
Bagamat parehas ng maayos ang kondisyon ng dalawang mga manlalarong nabanggit , ayon kay Reyes ay iba pa rin 'yung makita ang totoo nilang kondisyon 'pag nasa aktuwal na laro na they are in decent shape, ang aktuwal na game shape ay iba pa rin.
"That remains to be seen. Iba ang kondisyon sa practice, iba 'yung conditioning sa laro. All the rest I'm very confident that they're in competitive game shape already," wika pa ng national basketball team tactician.
Si Thompson ay nagtamo ng metacarpal injury habang si Sotto ay may iniindang back spasms. Uumpisahan ng Gilas ang kampanya sa FIBA World Cup sa pagsagupa nito sa Dominican Republic sa opening day sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sunod nilang kakalabanin ang Angola sa Agosto 27 at ang Italya sa Agosto 29 na parehas gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ang FIBA World Cup 2023 ay may mga referees na trained at handa na tiniyak ng Pre-Competition Clinic (PCC) mula August 19 - 22 sa Quezon City.
TIniyak sa kanilang training program na ang 4 na game officials ay nasa tip-top shape, isang linggo bago ang world meet.
Mahigit naman sa 1,000 volunteers ang itatalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Local Organizing Committee sa kabuuang kaganapan ng FIBA Basketball World Cup 2023, ayon kay SBP president Al Panlilio.






