top of page
Search

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023



ree

Iginiit ng pulisya sa South Korea na tinangka ng pinaghihinalaang mga hacker ng North Korea na labagin ang isang malaking joint military exercise sa pagitan ng U.S. at South Korea na nakatakda nang magsimula.

Ayon sa Gyeonggi Nambu Provincial Police Agency, kinukumpirma ng imbestigasyon ng pulisya na ang North Korea hacking group ang responsable sa pag-atake.


Wala naman umanong classified military information na nakompromiso.


Ang paparating na 11-araw na Ulchi Freedom Guardian summer exercises ay naglalayong palakasin ang kahandaan ng mga kaalyado laban sa mga advanced nuclear at missile threat ng North Korea.


Pinupuna ng Pyongyang ang naturang joint drills, na sinasabing ang mga ito ay rehearsals para sa pagsalakay sa North Korea.


Kaya naman iniugnay ng mga imbestigador ang pagtatangka sa pag-hack sa isang North Korean group, na kilala naman sa cybersecurity community bilang Kimsuky.


Ang mga cyber attackers ay naiulat na sinubukang makakuha ng access sa pamamagitan ng mga email na ipinadala sa mga South Korean contractor na nagtatrabaho sa South Korea-U.S. combined exercise war simulation center.


Kilala ang naturang grupo ng hackers na Kimsuky dahil sa diskarte umano nito na “spear-phishing”, kung saan ang mga biktima ay nalilinlang sa pagbibigay ng passwords nito o nahihikayat na mag-click ng malicious attachments o links.


Pinabulaanan naman ng North Korea ang pagkakasangkot sa mga aktibidad ng cyber espionage.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023



ree

Tutulak sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa darating na Nobyembre upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Summit na gaganapin sa San Francisco, California.


"I look forward to joining fellow APEC Leaders in California this year. This will be my third trip to the U.S. since I assumed office,” sabi ni Marcos sa courtesy call ng US-ASEAN Business Council na ginanap sa Malacañang.


"With energy security high in the economic agenda, we are particularly interested in sustainable land, water, and ocean solutions that align with our climate goals and support our plans to transform the Philippines into an upper Middle-Income Country by the year 2025," wika pa ng Pangulo.


Una nang dumalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre 2022.


Nagkaroon din ng state visit ang Pangulo sa Washington, DC noong Mayo.


“I have called for Philippine-United States economic engagement to boost two way trade especially critical sector such as infrastructure, agriculture, clean energy including nuclear energy, green metals and critical metals, IT-BPO, and semi-conductor, resilience on climate change,” banggit pa ni Pangulong Marcos.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 8, 2023



ree

Dahil sa nangyari sa West Philippine Sea (WPS) noong Sabado kung saan muntik nang mabangga ng China Coast Guard ang sasakyan ng Philippine Coast Guard at binomba pa ng tubig ang supply vessel ng Pilipinas, maghahain ng resolusyon ang ACT-CIS Partylist hinggil sa nasabing problema.


Napagkasunduan naman nina Cong. Edvic Yap at Cong. Jocelyn Tulfo na mag-file ng resolusyon para kausapin ang Estados Unidos na sa halip sa katapusan pa ng taon ay gawing ASAP ang joint patrol ng ating mga bansa," ani ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo.


“Hindi naman kasi natin kaya na pahintuin ang paglalapastangan ng Tsina sa ating teritoryo, so naisip namin na pakiusapan ang Amerika na tulungan tayo sa pagbabantay ng ating teritoryo dahil marami silang gamit at mas malalaki pa," dagdag ni Tulfo.


Ayon pa sa mambabatas, sinubukan na umano ng Pilipinas ang diplomatic dialogue at maging ang back channeling kahit noon pang panahon ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino subalit wala ring nangyari.


Una nang napagkasunduan ng Pilipinas at U.S. na magsagawa ng joint patrol ang Coast Guard ng dalawang bansa sa WPS sa huling bahagi ng 2023.


"Napapansin ko kasi na kapag dumadaan ang Amerika sa WPS o South China Sea, walang magawa ang China Coast Guard maging ang navy nila," ani Tulfo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page