top of page
Search

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023



ree

Nagkaroon ng pag-uusap nu'ng Biyernes ang United States at China ukol sa isyu sa mga kamakailangang kaganapan sa West Philippine Sea at ipinabatid ng US ang kanilang pag-aalala sa mga mapanganib na aksyon ng China.


Naganap ang pagpupulong sa Beijing, bago ang inaasahang pagtitipon nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping ngayong buwan sa APEC sa San Francisco.


Binigyang diin din ng US sa nangyaring pag-uusap ang kanilang mga alalahanin ukol sa mga aksyon ng PRC (People's Republic of China) .


Ayon sa US, parte ang kanilang pag-uusap ng bukas na komunikasyon sa gitna ng kanilang bansa at ng China.


Dagdag pa, makakatulong din ito para maiwasan ang 'di pagkakaunawaan ng dalawang bansa.


Isa sa tinalakay ay ang mainit na usapin patungkol sa WPS at iba pang usaping pandagat.



 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | September 22, 2023



ree

Nagbabala ang mga kritiko sa U.S. Senate dahil nawawala na umano ang kagandahang-asal ng mga ito matapos na baguhin ng pamunuan ng Demokratiko ang mga patakaran upang tapusin ang mga lumang requirement sa pagsusuot ng jacket at kurbata sa tradition-bound chamber.


Ayon sa Majority Leader Chuck Schumer sa Senate Sergeant at Arms, hindi na kailangang ipatupad ang hindi nakasulat na dress code ng Kamara.


Ang relaxed attire rule ay naa-apply sa lahat ng mambabatas, ngunit ang pagbago ay nakita bilang isang espesyal na deal para sa Democratic Senator na si John Fetterman.


Ang istilo ng pananamit ni Fetterman, o marahil ay kawalan ng istilo, ang naging signature niya sa kampanya bago pumasok sa Senado ngayong taon.


Nakakuha rin siya ng simpatiya mula sa marami pagkatapos niyang sumailalim sa gamutan para sa clinical depression sa lalong madaling panahon pagkatapos niyang maupo sa puwesto.


Ang mga mambabatas ay nagsawa ng botohan sa mga damit na pang-gym o iba pang unusual attire.


Parehong nag-relax ang Kamara at Senado sa mga nakalipas na taon sa mga panuntunan upang payagan ang mga kababaihan na magsuot ng mga damit na walang manggas. At noong 2019, ang House green-lighted religious headwear para payagan ang hijab na isinusuot ni Representative Ilhan Omar.



 
 

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023



ree

Nagkasundo sina U.S. President Joe Biden at ang mga lider ng South Korea at Japan sa Camp David na palalimin ang kooperasyong militar at pang-ekonomiya gayundin ang pagkondena sa umano’y agresibong pag-uugali ng China sa West Philippine Sea.


Idinaos ng administrasyong Biden ang summit kasama ang mga pinuno ng mga pangunahing kaalyado ng U.S. sa Asya – si South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida – sa hangarin na maipakita ang pagkakaisa sa

harap ng lumalaking kapangyarihan ng China at mga nuclear threats mula sa North Korea.


Sumang-ayon din silang magsagawa ng military training exercises taun-taon at magbahagi ng real-time information sa paglulunsad ng missile ng North Korea sa katapusan ng 2023.


Nangako rin ang mga bansa na magdaraos ng mga trilateral summit taun-taon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page