top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 16, 2024



ree

Tapos na ang pamamahagi ng United States Marine Corps ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Davao de Oro.


Ito ay bahagi ng kanilang humanitarian and disaster relief operations ng kasundaluhan sa mga Pinoy na apektado.


Nakumpletong ihatid sa nasabing lalawigan ang umaabot sa 15 libong family food packs gamit ang dalawang KC-130J na "Super Hercules".


Nagpahayag naman si AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad na nagbigay-pag-asa at malakas na suporta ang presensiya ng allied forces ng ating bansa para sa mga naapektuhan ng nakamamatay na landslide.


Kaugnay nito, nagpasalamat naman si AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. sa US dahil sa tulong na ibinigay sa Mindanao.


Binigyang-diin din ni Brawner Jr. sa kanyang pahayag ang importansya ng assistance and disaster relief equipment, mga relief goods at suplay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa 'Pinas higit sa oras ng kalamidad.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 12, 2024



ree

Agad na isinugod sa ospital ang United States Defense Secretary na si Lloyd Austin.


Dinala sa Walter Reed National Military Medical Center ang US Sec. dahil sa sintomas sa kanyang bladder, ayon sa Pentagon press secretary na si Maj. Gen. Pat Ryder.


Ibinaba na ang detalye sa White House at US Congress.


Handa naman ang Deputy Defense Secretary na si Kathleen Hicks na gawin ang trabaho ni Austin kung kakailanganin.


Matatandaang hindi nagpaalam si Austin kay US Pres. Joe Biden sa kanyang pagkaospital nu'ng Enero na umani ng batikos.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023



ree

Matapos ang pagkikita nu'ng nakaraang taon, muling maghaharap sina Pangulong Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre 15 bilang bahagi ng layuning pigilan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking bansa.


Inaabangan ang magiging interaksiyon ng dalawang lider kasabay ng gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa San Francisco Bay area.


Magtatagal ng ilang oras ang nasabing pagpupulong kasama ang mga grupo ng opisyal mula Beijing at Washington.


Ayon sa isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Biden, inaasahang matatalakay ang malawak na hanay ng mga isyung pandaigdig, kabilang na ang giyera sa Israel at Hamas, pagsakop ng Russia sa Ukraine, ugnayan ng North Korea sa Russia, Taiwan, Indo-Pacific, karapatang-pantao, Fentanyl, artificial intelligence, at ang usapin ng patas na kala

 
 
RECOMMENDED
bottom of page