top of page
Search

ni Lolet Abania | January 14, 2021




Tinatayang 20,000 tropa ang itatalaga ng National Guard sa Enero 20 sa Washington para sa nakatakdang panunumpa ni President-elect Joe Biden ng United States.


Ito ang inanunsiyo ni acting Police Chief Robert Contee isang linggo matapos ang libong supporters ni dating Presidente Donald Trump ay magsagawa ng marahas na kilos-protesta sa Congress sa pagnanais nilang mapigilan ang election victory ni Democrat Biden kung saan isang police officer at apat na protesters ang namatay.


Matatandaang 8,000 National Guard troops ang itinalaga para sa 2016 inauguration ni Trump, ayon sa report noon ng Reuters.


Habang ang House of Representatives ay nagdedebate sa pormal na pagsasampa ng kaso ng "incitement of insurrection," nanawagan si Trump at ang Republican National Committee sa publiko at sa lahat na dapat nang tapusin ang karahasan bago ang inagurasyon ni Biden.


Sa isang White House statement, sinabi ni Trump, "In light of reports of more demonstrations, I urge that there must be NO violence, NO lawbreaking and NO vandalism of any kind. That is not what I stand for, and it is not what America stands for. I call on ALL Americans to help ease tensions and calm tempers."


Kinansela na ng Airbnb at ang subsidiary nitong HotelTonight ang lahat ng reservations ng kanilang hotel at house-sharing sa Greater Washington para sa darating na inauguration week.


Ang mga kalsada malapit sa Capitol na pinasok ng mga violent protesters noong January 6 ay isinara na. Ipinasara rin ng National Park Service ang Washington Monument para sa mga nagtu-tour habang si Mayor Muriel Bowser ay nakiusap sa mga visitors na huwag munang pumunta sa lugar.


Ang mga darating na tropa ng militar ang inatasang mag-secure sa lugar bago ang inagurasyon ni Biden, kung saan naglagay din ng mga barikada sa paligid ng Capitol.


Ayon pa sa dalawang opisyal, magkatuwang ang National Guard at Capitol Police officers sa pagpapatupad ng batas sakaling may magtatangkang lumabag dito.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 7, 2021




Patay ang isang babae na kabilang sa mga supporters ni US President Donald Trump matapos mauwi sa engkuwentro laban sa pulis ang isinagawang kilos-protesta sa US Capitol noong Miyerkules.


Sa inisyal na ulat, nabaril umano ng Capitol police ang hindi pa nakikilalang babae dahil napilitang gumamit ng dahas ang pulisya nang sirain ng mga raliyista ang barikada ng kapitolyo bilang protesta sa pagkapanalo ni President-elect Joe Biden.


Samantala, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang awtoridad kaugnay ng insidente.

 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2020



Mahigit sa 1,000 estudyante ang nagpositibo sa test sa covid-19 matapos na magbalik sa klase nitong nakaraang dalawang linggo sa University of Alabama sa Tuscaloosa campus, ayon sa University of Alabama System.


Sa tala ng UA System, bago pa mag-August 18, nadagdagan na ng 158 cases ang infected ng virus na nairekord sa campus sa kasalukuyang taon, na may kabuuang bilang na 1,201 kaso ng tinamaan ng coronavirus. Subalit, nag-resume ang klase nito lamang August 19.


Gayundin, ang UA sa Tuscaloosa, ang may pinakamaraming estudyante na nagpositibo sa test sa covid-19 sa tatlong campuses na mayroon ang University of Alabama System. Sa University of Alabama sa Birmingham (UAB), 157 kumpirmadong kaso ng estudyante ang infected ng virus, at sa University of Alabama sa Huntsville (UAH) 10 ang nai-report na cases, ayon sa coronavirus dashboard ng eskuwelahan. Walang naospital sa mga positive students na resulta ng covid-19, ani statement ng UA System.


"Our exposure notification efforts have revealed no evidence of virus transmission due to in-person class instruction," ayon kay Dr. Ricky Friend, dean ng College of Community Health Sciences ng UA.


"We remain satisfied that the precautions implemented prior to the resumption of classes -- including masking, distancing, and a blend of in-person and remote instruction -- are appropriate and effective," sabi pa ni Friend.


Gayunman, iminungkahi ni UA President Stuart Bell sa naturang komunidad na magsuot ng masks at isagawa ang social distance, parehong sa loob at labas ng campus, para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.


"At this critical time, we must be united and fully committed in our fight against COVID-19," sabi ni Bell. "I believe we will be successful this semester, and we all want to remain on campus throughout this fall, but we can only do so with your daily assistance."

Ayon kay Bell, ang pagtaas ng kaso ng nagpositibo sa covid-19 ay, "unacceptable" o hindi katanggap-tanggap. Kasabay nito ang pag-anunsiyo sa mga estudyante at faculty, na ang university police at Tuscaloosa police ay magmomonitor sa mga restaurant, off-campus residences at Greek housing upang masigurong ang lahat ng residente ay sumusunod sa coronavirus safety guidelines.


Samantala, ipinag-utos na ni Tuscaloosa Mayor Walt Maddox, sa lahat ng bars sa siyudad na isarado ito ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng kaso ng tinamaan ng covid-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page