top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021




Inanunsiyo ng U.S. prosecutors na nahaharap sa sex-trafficking charges ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.


Kasama si Quiboloy at dalawa pang opisyal ng simbahan sa pagpapatakbo ng sex-trafficking operations na nambibiktima ng mga batang babae edad 12-15.


Ayon pa sa indictment charges, nagre-recruit ang simbahan ni Quiboloy ng mga babaeng edad 12-25 bilang personal assistants o "pastorals."


Kabilang sa trabaho nila ang maghanda ng pagkain ni Quiboloy, maglinis ng bahay, magbigay ng masahe at makipagtalik sa self-proclaimed "appointed son of God" na tinatawag nilang "night duty."


Si Pastor Quiboloy ay longtime friend at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Quiboloy hinggil sa isyu.

 
 

ni Lolet Abania | November 6, 2021



Nasa walo ang nasawi habang marami ang nasaktan nang dumugin ng mga tao ang ginanap na Astroworld musical festival sa Houston, Texas, USA nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.


“The crowd began to compress towards the front of the stage and that caused some panic and it started causing some injuries,” pahayag ni Houston fire chief Samuel Pena sa isang press conference.


Batay sa ulat, tinatayang 50,000 indibidwal ang dumalo sa Astroworld Festival sa NRG Park ng nasabing siyudad, nang ilan sa mga audience ay biglang nagpuntahan sa stage.


Nagsimulang dumagsa ang mga tao, bandang alas-9:00 ng gabi ng Biyernes local time (0200 UTC Sabado) sa event.


Ayon pa sa mga awtoridad, kitang bumagsak na walang malay ang mga biktima at lumala pa ang kaguluhan sa festival ng alas-9:38 ng gabi, habang nagkaroon na ng mass casualty o namatay sa insidente.


“We had at least eight confirmed fatalities tonight and scores of individuals that were injured,” sabi ni Pena, subalit hindi pa nila makumpirma ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima dahil aniya, hinihintay pa nilang makumpleto ang medical examinations ng mga ito.


Sinabi rin ni Pena kung paano nag-umpisang mag-crush o magsiksikan ang mga tao patungo sa stage nang ang rapper na si Travis Scott ay nagpe-perform na.


“We transported 17 patients to the hospital... 11 of those that were transported were in cardiac arrest,” saad pa ni Pena.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 27, 2021



Pansamantalang ipinagbawal ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at State Department ang pagbiyahe papunta sa Spain, Portugal, Cyprus at Kyrgyzstan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga naturang bansa.


Sa inilabas na travel advisory ng CDC, itinaas ang "Level Four: Very High" alert sa mga nasabing bansa. Itinaas din ng CDC sa rating na "Level Four" ang Cuba at "Level 3: High" naman sa West Bank, Gaza, at Armenia.


Samantala, ayon sa CDC, kailangang iwasan ng mga biyaherong hindi pa bakunado ang non-essential travelling sa mga bansa na nakataas sa "Level 3" rating.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page