top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 18, 2023



ree

Patuloy na napapanatili ng Pilipinas ang U.S. standards pagdating sa pagsugpo sa human trafficking.


Ayon sa Bureau of Immigration, 8 taon nang napapanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking mula sa U.S. State Department.

Ang Tier 1 ang pinakamataas sa 4-tier system ng U.S. State Department.


Gayunman, ayon sa U.S. State Department, kahit nasa Tier 1, hindi nangangahulugan na walang problema sa human trafficking ang isang bansa, kundi pagpapakita lang ito na may ginagawang efforts ang gobyerno para labanan ito.


Pagtiyak ni BI Commissioner Norman Tansingco, patuloy nilang poprotektahan ang mga Pilipino laban sa modern-day slavery na ito.


 
 

ni Jenny Albason (OJT) | May 8, 2023



ree

Pinaratangan ng Russia ang Ukraine at Estados Unidos dahil sila umano ang nasa likod ng pambobomba sa sasakyan ng isang Russian nationalist writer na si Zakhar Prilepin na naging sanhi ng pagkasawi ng kanyang driver, noong Sabado.


Ang naturang pag-atake ay nangyari tatlong araw matapos subukan ng Ukraine na puntiryahin ang Kremlin gamit ang kanilang mga drones.


Gayunman, ayon sa Ukraine ay wala umano silang kinalaman sa nasabing pag-atake.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 3, 2023



ree

Inihayag ni U.S. President Joseph Biden nitong Lunes na magpapadala siya ng "first of its kind" presidential trade and investment mission sa Pilipinas.


Ginawa ni Biden ang pahayag kasunod ng kanyang bilateral na pagpupulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington.


Binanggit ng pinuno ng US ang "matibay na partnership" ng Manila at Washington at malalim na pagkakaibigan


Nakatuon din si Biden na palakasin ang suporta ng Amerika sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang pagpapagaan ng pagbabago ng klima at ekonomiya.


Pinasalamatan ng pinuno ng Pilipinas si Biden para sa tulong ng Amerika at hinahangad na palakasin ang mga alyansa at pakikipagtulungan sa harap ng bagong ekonomiya na kinakaharap pagkatapos ng pandemya.


Kabilang sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pinalawak na bilateral meeting ay sina National Security Adviser Eduardo Ano; Defense Sec. Carlito Galvez, Jr.; Environment and Natural Resources Sec. Antonia Yulo Loyzaga; Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual; Information and Communications Technology Se. Ivan John Uy; Justice Sec. Jesus Crispin Remulla; Migrant Workers Department Sec. Maria Susana “Toots” Ople at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page