top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 24, 2022


ree

Mainit na pagsalubong ang ibinigay ng mga tagapangasiwa ng University of the Philippines (UP) Mindanao sa muling pagbabalik-unibersidad ng mga Iskolar ng Bayan para sa unang batch ng kanilang mga estudyante na dadalo sa isasagawang limited face-to-face campus activities.


“Isa itong oportunidad para atin na i-maximize ang paggamit ng blended learning para mabigyan natin ang ating mga estudyante ng platform para ang edukasyon ay magiging personal, collaborative, at naiuugnay sa tunay na mundo ” pahayag ni UP Mindanao Chancellor Prof. Lyre Anni E. Murao.


Gayundin, muling sinalubong ng UP Mindanao ang mga graduating students ng BS Food Technology at MS Food Science programs sa isang flag ceremony.


Ayon sa ulat, aprubado na ng CHED Regional Office ang hiling ng unibersidad na magsagawa ng pilot implementation para sa limited face-to-face (F2F) classes ng mga mag-aaral sa kolehiyo na nangangailangan ng hands-on laboratory at fieldwork para sa pagkukumpleto ng kanilang thesis.


Pagtitiyak ng tagapangasiwa ng unibersidad, ngayong unti-unti nang nagsisibalikan sa campus ang mga mag-aaral, patuloy pa rin ang pag-oobserba sa mga health protocols kontra-COVID-19 ng kanilang mga university officials, faculty, at students.


Samantala, ang iba namang mga graduating students na kailangang mag-field para sa kanilang thesis ay maaari umanong mag- request para sa limited F2F bilang pagtalima sa CHED-DOH Joint Memo Circular at ng UP VP for Academic Affairs' Memo kaugnay sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa.






 
 

ni Lolet Abania | April 26, 2021



ree

Magpapatupad ang ilang unibersidad sa bansa ng “no fail policy” sa gitna ng pandemya ng COVID-19.


Kabilang sa mga universities na magsasagawa ng naturang polisiya ang De La Salle University (DLSU) at ang University of the Philippines (UP).


Inaprubahan ng La Salle ang isang resolusyon na ipatupad muli ang policy mula Term 2 ng Academic Year 2020-2021 hanggang sa susunod na abiso.


Inianunsiyo rin ng UP na walang estudyante ang mabibigyan ng bagsak na grado ngayong semester.


“During pre-COVID, in order to merit an incomplete, a student must have a passing class standing and only a minimum of requirement not yet submitted. This time, even if you haven't submitted anything this semester, you will not fail,” ani UP Public Affairs Vice-President Elenia Pernia.


Ayon pa kay Pernia, ang mga estudyante ay mayroong isang taon para makumpleto nila ang lahat ng kinakailangang requirements.


Samantala, hindi magpapatupad ang Ateneo de Manila University ng “no fail policy” sa kanilang mga estudyante.


“Its structures provide ways of making students fulfill requirements that take into consideration their individual contexts,” ayon sa pamunuan ng Ateneo.


Dagdag pa ng ADMU, sakaling makaranas ng hirap ang estudyante sa pag-aaral, maaaring mag-request ito ng withdrawal with permission o makakuha ng incomplete na may option para sa extended period hanggang sa makumpleto nito ang kailangang requirements sa incomplete grade.


Ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay hindi rin ipatutupad ang nasabing polisiya.


Gayunman, ayon sa PUP communication management office, hinihimok nila ang kanilang faculty na magkaroon ng maximum tolerance, kaluwagan at compassion o pagmamalasakit sa kanilang mga estudyante.


Matatandaang naghain ang Makabayan Bloc ng resolutions upang himukin ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) na mag-impose ng isang moratorium para sa pagtataas ng tuition fees at ipatupad ang academic easing habang may COVID-19 pandemic.


Sa pamamagitan ng House Resolution 1722, nanawagan ang mga mambabatas sa dalawang ahensiya para ihinto muna ang pagtataas ng tuition fee at iba pang bayarin, kung saan matagal nang tinatalakay dahil sa patuloy na pagsirit ng antas ng edukasyon sanhi ng mga polisiya sa deregulation at commercialization.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 23, 2021


ree


Sinuportahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na pagputol sa “long-time agreement” ng naturang ahensiya sa University of the Philippines (UP) na pagbabawal sa pagpasok ng state forces sa mga campuses nito nang walang koordinasyon sa unibersidad.


Pahayag ni DILG Officer-in-Charge (OIC) Usec. Bernardo Florece, “The agreement has become obsolete and no longer attuned to the times. It was signed way back in 1989, three years after the end of the Marcos dictatorship. The conditions have changed.”


Saad naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagputol ng kasunduan sa UP, “By reason of national security and safety of UP students, this Department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing ‘agreement’ in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP-NPA recruitment activities.”


Samantala, sang-ayon naman si DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya sa request ng UP na magkaroon ng pagpupulong upang mapag-usapan ang desisyon ng DND.


Saad ni Malaya, “The non-academic areas in UP have increased through the years and crime has been increasing, thus we need to discuss ways on how we can maintain peace and order in those areas.”


Aniya pa, “Upon the request of UP, we are open to a meeting. Kailangan na talaga nating umupo at mag-usap dahil sa dami ng mga pagbabago, pangyayari at problema sa UP. The bottomline is, and will always be, to ensure peace and security in the students and faculty of UP.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page