top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 8, 2022



Matapos ianunsiyo ng PhilHealth ang nakatakdang pagtaas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito, umapela si Senador Joel Villanueva na kailangan na rin aniyang maningil ng taumbayan kaugnay sa kinasasangkutang isyu ng ahensiya.


Paglalahad ng senador, kabilang umano sa mga tanong na dapat sagutin ng PhilHealth ang mga hakbang na ginawa at ginagawa ng PhilHealth upang maresolba ang mga anomalyang naungkat sa panahon ng pagdinig ng Senado.


Ani Villanueva, dapat din umano na ang kahingiang dagdag-kontibusyon sa PhilHealth ay maging katumbas ng pinagbuting health services na mapapakinabangan ng bawat miyembro ng ahensiya, tulad ng pagkakaroon ng mas malawak na outpatient drug benefit at emergency package ng PhilHealth batay sa Universal Health Care (UHC) Act.


Dagdag pa ng mambabatas, kapansin-pansin na mistula umanong pasakit sa mga mamamayan ang taas-singil sa PhilHealth contribution sa halip na maramdaman ang serbisyong nakukuha sa PhilHealth.


Giit ni Villanueva, ang Universal Health Care Law ay naisabatas para mabigyan ng de-kalidad na healthcare system ang mga Pinoy at hindi upang pagyamanin ang PhilHealth.


 
 

ni Lolet Abania | March 9, 2021





Galit na tinugon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bise-Presidente Leni Robredo dahil sa mga pahayag nito na nagdulot pa ng pagdududa sa publiko tungkol sa Sinovac vaccine na gawa ng China.


"Imbes na magtulong to convince the people, here she comes and making it appear that government has failed in its mandate of securing... Ma'am, hindi ako napikon. Hindi ako mapikon kay (dahil) hindi ko sarili ito," ani Pangulong Duterte sa kanyang weekly Talk To The People briefing para sa COVID-19.


Ayon sa Pangulo, ang mga inilabas na pahayag ni Robredo ay isang lamang "half-truth", kung saan sinabi nitong ang Sinovac vaccine ay nangangailangan ng rekomendasyon mula sa health technology assessment council (HTAC).


Ipinaliwanag naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi na kailangan ng Sinovac vaccine ng pag-apruba ng HTAC dahil ito ay isang donasyon at hindi isang investment.


"Hindi ho kailangan ng recommendation, kasi nakalagay dito [sa Universal Health Care Law] investment, wala naman tayong in-invest, donated 'yun eh. So, EUA [emergency use authorization] lang po ang kinailangan," sabi ni Duque.


Nakasaad sa Section 34 ng Universal Health Care Act, "investments on any health technology or development of any benefit package by the DOH and PhilHealth shall be based on the positive recommendations of the HTA."


Nagbigay ng donasyon ang China ng 600,000 doses ng Sinovac vaccine ng CoronaVac, na dumating sa bansa noong Pebrero 28. Ito ang unang legal na batch ng mga bakuna sa bansa at sinimulan ang vaccinations sa mga ospital sa National Capital Region noong Marso 1.


"Imbes na makatulong ang Vice President, she created confusion, thereby creating doubts and uncertainty in the minds of the people," ani P-Duterte. "'Yan ang ginalitan ko because we are running against time," dagdag ng Pangulo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page