top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021


ree

Bibili ng 500 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang United States para ipamigay sa iba’t ibang bansa.


Ngayong linggo nakatakdang ianunsiyo ni US President Joe Biden kung anu-anong mga bansa ang target nilang bigyan ng mga Pfizer COVID-19 vaccine.


Saad pa ni Biden, “We have to end COVID-19 not just at home — which we’re doing — but everywhere.”


Napagdesisyunan ang hakbang na ito matapos makatanggap umano ng pressure ang pamahalaan ng US mula sa iba’t ibang bansa na lalo pang paigtingin ang pagkilos upang masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng bakuna sa mahihirap na bansa.


Samantala, una nang inianunsiyo ng White House na target ng pamahalaan na makapagpamahagi ng 80 milyong sobrang doses ng bakuna globally bago matapos ang buwan ng Hunyo.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 3, 2021



ree

Pinaplano ng America na mamigay ng libreng beer sa lahat ng mga magpapabakuna kontra COVID-19, ayon kay United States President Joe Biden.


Aniya, "That's right: get a shot, have a beer."


Nakipag-ugnayan na rin aniya ang White House sa mga malalaking brewer katulad ng Anheuser-Busch.


Paliwanag ni White House Press Secretary Jen Psaki, "We're making it even easier to get vaccinated, which we've seen is the key to increasing numbers and getting more shots in arms."


Layunin ng "libreng beer kapalit ng bakuna" na mabakunahan kontra-COVID-19 ang 70% na populasyon ng America sa pagsapit ng Independence Day.


"We're asking the American people for help. It's going to take everyone… so we can declare independence from Covid-19 and free ourselves from the grip it has held over our life for the better part of a year," sabi pa ni Biden.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021


ree

Inaasahang darating sa Pilipinas sa Hunyo ang Moderna at AstraZeneca COVID-19 vaccines na donasyon ng US, ayon sa PH ambassador to US ngayong Biyernes.


Tinatayang aabot sa 80 million doses ang naturang bakuna na ibibigay nang libre sa mga kaalyadong bansa ng US kabilang na ang Pilipinas, ayon kay Ambassador Jose Romualdez.


Pahayag pa ni Romualdez, “May in-announce si President Biden na magbibigay sila ng 80 million na doses of Moderna and AstraZeneca nilang stockpile rito. In-inform ako ng White House na kasama ang Pilipinas na bibigyan nila and it will be delivered… baka this June.


“It’s actually free. It’s part of the help that they’re giving to allies, like the Philippines at saka sa ibang mga countries that really need it also. Ang sinabi sa ‘kin ng White House, kasama ang Pilipinas du’n sa first batch na ipadadala.”


Samantala, hindi naman sigurado si Romualdez kung ilang doses ng bakuna mula sa stockpile ang ibibigay sa Pilipinas ngunit aniya ay hindi ito magtatagal dahil gagamit umano ng military planes para mai-deliver ang mga ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page