top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021



Nagsagawa ng drone strikes ang United States laban sa diumano'y planner ng Islamic-State na itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa Kabul airport sa Afghanistan na naging dahilan ng pagkasawi ng 13 sundalong Amerikano, ayon sa US military noong Biyernes.


Saad ni Captain Bill Urban of the Central Command, "The unmanned airstrike occurred in the Nangarhar Province of Afghanistan. Initial indications are that we killed the target. We know of no civilian casualties."


Noong Huwebes, umabot sa higit-kumulang 78 katao ang nasawi kabilang na ang 13 sundalong Amerikano nang bombahin ang Abbey Gate ng airport kung saan naroroon ang ilang puwersa ng US dahil sa pagpapalikas sa mga nais umalis ng Afghanistan.


Matapos ang insidente, kaagad namang naglabas ng pahayag si President Joe Biden at aniya, "To those who carried out this attack as well as anyone who wishes America harm, know this: We will not forgive. We will not forget. We will hunt you down and make you pay.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021



Nakapagtala ang United States ng unang kaso ng COVID-19 sa usa, ayon sa pamahalaan ng naturang bansa noong Biyernes.


Iniulat ng US Department of Agriculture (USDA) ang SARS-CoV-2 infection sa wild white-tailed deer sa Ohio.


Saad pa ni USDA Spokeswoman Lyndsay Cole, "We do not know how the deer were exposed to SARS-CoV-2.


"It’s possible they were exposed through people, the environment, other deer, or another animal species."


Nilinaw din ng USDA na asymptomatic o walang nakitang sintomas ng COVID-19 sa naturang usa.


Ayon sa USDA, kumuha ng serum samples mula sa naturang usa ang Ohio State University College of Veterinary Medicine na isinailalim sa pagsusuri at napag-alaman na positibo ito sa COVID-19 na kinumpirma naman ng National Veterinary Services Laboratories ng ahensiya.


Samantala, matatandaang una nang iniulat ng USDA ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga hayop katulad ng mga aso, pusa, tigre, leon, snow leopards, gorillas at minks.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 27, 2021



Ipinahahanap ni President Joe Biden ang mga nasa likod ng pag-atake sa Kabul airport sa Afghanistan noong Huwebes na naging dahilan ng pagkasawi ng ilang tropa ng United States.


Saad ni Biden, "We will not forgive, we will not forget. We will hunt you down and make you pay.”


Pinaniniwalaang ang ISIS group ang nasa likod ng naturang pambobomba sa airport.


Saad pa ni Biden, "I have also ordered my commanders to develop operational plans to strike ISIS-K assets, leadership and facilities. We will respond with force and precision at our time, at the place we choose and the moment of our choosing.”


Samantala, nangako si Biden na magpapatuloy pa rin ang evacuations sa mga nais umalis ng Afghanistan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page