top of page
Search

ni Jenny Albason (OJT) | May 8, 2023




Pinaratangan ng Russia ang Ukraine at Estados Unidos dahil sila umano ang nasa likod ng pambobomba sa sasakyan ng isang Russian nationalist writer na si Zakhar Prilepin na naging sanhi ng pagkasawi ng kanyang driver, noong Sabado.


Ang naturang pag-atake ay nangyari tatlong araw matapos subukan ng Ukraine na puntiryahin ang Kremlin gamit ang kanilang mga drones.


Gayunman, ayon sa Ukraine ay wala umano silang kinalaman sa nasabing pag-atake.


 
 

ni Jenny Albason (OJT) | May 2, 2023




Nasawi ang 12-katao nang paulanan ng air strikes ng Russia ang Ukraine kabilang na ang Kyiv.


Mahigit 10 katao naman ang namatay matapos tumama ang missile ng Russia sa residential buildings sa central city ng Uman.


Isang babae at nadamay ang 3-anyos na anak ng Ukranian Mayor sa mga namatay sa kabisera ng Dnipro.


Ayon sa Ukrainian President na si Volodymyr Zelensky, 10 residential buildings ang napinsala sa Uman at nagpapakita lamang umano ito na ang pag-atake ng Russia sa kanilang bansa ay nangangailangan ng international action laban sa Russia.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 29, 2023

ni Jenny Albason (OJT) | April 29, 2023




Patay ang isang Ukranian journalist matapos mapatay umano ng mga hinihinalang Russian sniper.


Kinilala ang biktima na si Bogdan Bitik na kinuhang interpreter ng isang Italian reporter na si Corrado Zunino na tinamaan naman sa balikat.


Ayon kay Zunino, dumaan sila sa tatlong checkpoint bago naganap ang insidente.


Umabot sa 15 na media workers at journalist ang nasawi sa sumiklab na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page