top of page
Search

ni Mabel G. Vieron | June 23, 2023




Inamin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na bumagal umano ang ipinapatupad nilang mga opensiba upang mabawi ang ilang mga lugar na sinakop na ng Russia.


Dagdag pa nito, ang mga hakbang ay hindi isang pelikula dahil nakataya aniya ang buhay ng kanilang mga sundalo.


Sa mga nagdaang linggo ay mayroong walong bayan mula sa Donetsk at Zaporizhzhia ang kanilang nabawi. Pagtitiyak pa nito, itutuloy pa rin nila ang pagbawi sa mga lugar na sinakop ng Russia.


 
 

ni Jenny Albason | May 24, 2023




Itinanggi ni Ukraine President Volodomyr Zelensky na nasakop ng Russian forces ang kabisera ng Bakhmut.


Ito ay matapos na ipahayag ng mercenary na suportado ng Russia na kontrolado na nila ang naturang lugar.


Iginiit naman ng Ukranian military sources na nakokontrol pa rin nila ang karamihan sa mga gusali sa outskirts ng kabisera.


Tumanggi na magbigay ng karagdagang detalye si Zelensky tungkol sa sitwasyon ng Bakhmut.


 
 

ni Mabel Vieron | May 19, 2023




Humiling si Ukraine’s first lady Olena Zelenska ng mga non-lethal military hardware kay South Korean President Yoon Suk Yeol.


Nagpaabot ng pakikiramay si Yoon sa mga nasawing Ukrainian dahil sa giyera laban sa Russia.


Ang mga non-lethal military hardware ay ang kinabibilangan ng mine detectors, de-mining equipment at first aid vehicles.


Humirit din ito sa mga South Korean companies na tulungan umano sila na maipatayo ang mga nasirang gusali dahil sa giyera.


Agad namang tiniyak ni Yoon na buo ang suporta ng South Korea sa Ukrainian upang makabangon agad ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page