top of page
Search

ni Mabel Vieron @World News | July 3, 2023




Inatasan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kanyang mga sundalo na palakasin ang kanilang northern defenses.


Sa ginawang pagpupulong, nais umano niyang palakasin ang puwersa nito sa bahagi ng border nila ng Belarus.


Matatandaang naiulat na patuloy na nagpapaulan ang Russia ng missile sa bahagi ng Sumy at Chernihiv regions.


May posibilidad umanong umatake ang Russia sa Belarus, kaya nais ng Ukrainian President na bantayan ang nasabing lugar.


 
 

ni Mabel Vieron | June 29, 2023




Naghanda ang Denmark at Netherlands ng 14 leopard 2 tanks para ibigay sa Ukraine.


Batay sa German arms manufacturer na Rheinmetall, ang nasabing mga tangke ay hindi umano bago, sa halip ito ay mga gamit na.


Nakatakdang i-deliver ang unang set sa Enero 2024, habang sa susunod na buwan ng taong din ‘yun ang iba pang mga tanke.


 
 

ni Mabel Vieron | June 29, 2023




Patay ang tatlo katao sa ginawang missile strike ng Russia sa Kramatorsk, Ukraine.


Batay sa mga awtoridad ng Ukraine, mayroon pang 25 katao ang napuruhan sa nasabing insidente.


Ayon kay Minister of Internal Affairs Ihor Klymenko, wala na umanong pinipiling target ang Russia. Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page