top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 30, 2023




Pinalawig pa ng hanggang 90 araw ang ipinatutupad na Martial Law ng Ukraine na magtatapos sa Nobyembre 15. Ito umano ay dahil sa posibilidad na magkaroon ng parliamentary elections sa buwan ng Oktubre.


Matatandaang ipinatupad ng Ukraine ang Martial Law noong Pebrero 24, 2023 isang araw matapos ang ginawang pag-atake ng Russia.


Makailang beses na itong pinalawig ng Ukraine hanggang sa umabot nang ilang buwan.


Sa nakasaad sa panuntunan, ipinagbabawal ang 18 hanggang 60-anyos na mga lalaki na umalis palabas ng kanilang bansa.


Samantala, isasagawa naman sa Marso sa susunod na taon ang presidential elections.



 
 

ni Joy Repol Asis @World News | July 15, 2023




Hindi umano nakikita ni U.S. President Joe Biden na gagamit ang Russia ng nuclear weapons sa patuloy na pagsakop nito sa Ukraine.


Sa kanyang talumpati habang nasa Finland, sinabi ni Biden na malinaw ang kahinaan ni Putin dahil sa nalusutan sila ng Wagner Mercenary group nang mag-aklas.


Gayunman, pagtitiyak nito na nakabantay ang Amerika at mga kaalyadong bansa sakaling gumamit ng nuclear weapon ang Russian president.


Nagbabala rin ito na maaaring bumalik ang pakikipag-alyansa ni Putin sa Wagner chief na si Yevgeny Prigozhin para mapalakas ang kanilang puwersa sa paglusob sa Ukraine.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | July 14, 2023




Nananatili pa ring suportado ng U.S. ang Ukraine mula nang lusubin sila ng Russia. Ito ang pahayag ni U.S. President Joe Biden matapos na makipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kapwa dumalo sa pagpupulong ng North Atlantic

Treaty Organization (NATO) sa Lithuania.


Dagdag pa rito, hindi maaaring puwersahang masakop ng isang bansa ang katabing bansa nito.


Binatikos din nito si Russian President Vladimir Putin dahil tila minaliit nito ang kakayahan ng Ukraine nang kanilang sakupin noong nakaraang taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page