top of page
Search

ni Lolet Abania | February 26, 2022



Nasa 198 sibilyan, kabilang ang tatlong bata, ang naitalang nasawi sa ngayon dahil sa pag-atake ng mga Russian forces sa Ukraine, ayon sa health minister ng naturang bansa ngayong Sabado.


“Unfortunately, according to operative data, at the hands of the invaders we have 198 dead, including 3 children, 1,115 wounded, including 33 children,” pahayag ni Health Minister Viktor Lyashko sa Facebook.


Samantala, sinabi naman ni Polish Deputy Interior Minister Pawel Szefernaker ngayong Sabado na may 100,000 katao na ang tumawid sa border patungong Poland mula sa Ukraine simula nang lusubin ang naturang bansa ng Russia ngayong linggo.


“From the onset of warfare in Ukraine through today, along the entire border with Ukraine, 100,000 people have crossed the border from Ukraine into Poland,” saad ni Szefernaker sa mga reporters sa border village ng Medyka, southeastern Poland.


 
 

ni Lolet Abania | February 26, 2022



Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Sabado na mahigit sa 40 Filipinos ang inilikas mula sa Kyiv patungo sa lungsod ng Lviv sa Ukraine at sa ngayon ay naghihintay na ng repatriation sa gitna ng ginawang invasion ng Russia sa naturang bansa.


Ayon sa isang tweet nitong Biyernes ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, natanggap na ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz at nasa Lviv na ang 37 Pinoy, kung saan nag-travel ang mga ito nang buong araw mula Kyiv, habang aniya, may nauna nang anim na nakauwi na.


Nananatili ang mga nasabing Pinoy sa isang hotel sa Lviv, na ayon kay Ruiz, ang Philippine Embassy ay aasistihan sila sa kanilang pag-alis sa Ukraine at sa pagpasok sa Poland para maayos na makasakay sa kanilang flights pauwi na sa Pilipinas.


“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,” paliwanag ni Ruiz.


Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naghanda na ang pamahalaan ng mga local at international relocation para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Ukraine sa gitna ng laban ng naturang bansa sa Russia.

 
 

ni Lolet Abania | February 24, 2022



Ipinahayag ng Ukrainian leader na si Volodymyr Zelensky ngayong Huwebes na pinuputol na ng Kyiv ang diplomatic relations o ugnayan nito sa Moscow bilang tugon aniya ito sa ginawang invasion ng Russia sa kanilang Western-backed neighbor.


“We broke off diplomatic relations with Russia,” saad ni Zelensky sa sa isang video message.


Nagmarka ito ng unang pagkalas sa kanilang ugnayan mula na ang Russia at Ukraine ay maging independent countries matapos na bumagsak noong 1991 ang Soviet Union.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page