top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 1, 2022



Maraming Pinoy sa Ukraine ang ayaw pa ring umuwi ng Pilipinas sa kabila ng ginagawang pag-atake ng Russia.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaasa ang mga Pilipino rito na matatapos din agad ang kaguluhan at nagpupunta na lamang sa ligtas na lugar.


"There were 13 Filipinos who were able to cross the border. Twelve adults, one baby. They are now in Warsaw, Poland, in a hotel, being assisted by our embassy. They already took the RT-PCR test and once they test negative, they will be able to go home [to the Philippines] tonight or tomorrow. They were also given $200 assistance," pahayag ni DFA Undersecretary Sarah Arriola sa Laging Handa briefing nitong Lunes.


"But we learned there are 33 people who left Kyiv and are in Lyiv, and there are those still leaving Kyiv to go to Lyiv, and they don't want to be repatriated. They want to wait it out [in Lyiv], so we are just in touch with them and stand ready to give assistance as needed. They think this [armed attack] will be over in two to three months," dagdag pa ni Arriola.


Kabilang umano sa mga Pinoy na nasa Ukraine ay nagtatrabaho bilang household service workers, mga guro, mga kawani sa international organizations, at mayroon ding nakapag-asawa na ng Ukraine citizens.


"Many of them don't want to be separated with their family members too, and they like the quality of life in Ukraine," anang opisyal.


"So rest assured we stand ready to be of assistance and give care packages to them," dagdag ni Arriola.


Samantala, pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na malapit sa border ng Moldova at Romania na kailangan ng tulong para makauwi ng Pilipinas, na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest.

 
 

ni Lolet Abania | February 27, 2022



Dalawampu’t dalawang Filipinos na apektado ng invasion ng Russia sa Ukraine ang naghihintay na ng kanilang repatriation sa bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Sa isang tweet ngayong Linggo ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, sinabi nitong sa kabuuang bilang na Pinoy, apat ang nasa western city ng Lviv sa Ukraine, habang 13 ay nasa Warsaw, Poland, at 5 naman sa Moldova.


Ayon pa kay Arriola, anim na Pinoy na ang nakabalik sa bansa. Kinumpirma naman ni Arriola sa isang interview na ang 13 na nasa Poland ay naghahanda nang umuwi ng Pilipinas. Aniya, ang mga naturang Pinoy ay tumawid sa Polish border mula sa Ukraine at nakasama na ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr.



Ipinahayag din ni Arriola na 181 Filipinos ang lumipad patungong Lviv mula sa capital city Kyiv, kung saan maraming nagaganap na sagupaan.


Ilang Pinoy naman aniya, ang ayaw na iwanan ang nasabing bansa dahil sa mga asawang nilang Ukrainians. Ayon pa kay Arriola, mayroon ding mga Pinoy household service workers sa Kyiv na nagsabing mag-e-evacuate sila kasama ang kanilang mga employers.


Ngayong Linggo (oras sa Manila), ipinahayag ni Ukranian President Volodymyr Zelenskiy na ang mga tropa ng kanilang bansa ay patuloy na lalaban sa mga Russian forces.


Una nang sinabi ng DFA na ang mga nangangailangan ng repatriation assistance ay pinapayuhang kontakin o tawagan ang Philippine Embassy sa Poland sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:


• Email: (warsaw.pe@dfa.gov.ph)

• Emergency Mobile Number +48 604 357 396

• Office Mobile Number +48 694 491 663

• Philippine Honorary Consulate General in Kyiv, Ukraine -- Mobile Number +380 67 932 2588


Maaaring makontak ang DFA sa kanilang Facebook page.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 27, 2022



Inihayag ng health minister ng Ukraine nitong Sabado na nasa 198 sibilyan, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi sa patuloy na pag-atake ng Russian forces.


"Unfortunately, according to operative data, at the hands of the invaders we have 198 dead, including 3 children, 1,115 wounded, including 33 children," ani Health Minister Viktor Lyashko sa Facebook.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page