top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 1, 2023



ree

Tagumpay ang U.N. climate summit matapos ang pagsang-ayon ng mga delegado sa isang bagong pondo upang matulungan ang mga bansang mahirap sa harap ng mga seryosong kalamidad.


Pahayag ni COP28 President Sultan Ahmed al-Jaber, ang naging desisyon ay positibong senyales ng momentum sa mundo at sa kanilang gawain sa Dubai.


Binigyang-daan ng mga itinalaga ang mga pamahalaan upang ipahayag ang kanilang mga kontribusyon sa pagtatag ng pondo sa unang araw ng dalawang linggong forum.


Nagsimula ang serye ng mga maliit na pangakong pondo na inaasahang lalaki habang nagtatagal ang forum, kasama dito ang $100-milyon mula sa host na United Arab Emirates ng COP28, aabot sa $51-milyon mula sa Britanya, $17.5-milyon mula sa US, at $10-milyon galing sa Japan.


Nag-alok naman ang European Union ng $245.39-milyon, kabilang ang $100-milyon mula sa Germany.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 22, 2021


ree

Muling nagbukas ng oportunidad ang United Arab Emirates sa mga unemployed at OFW na nawalan ng trabaho ngayong pandemya.


Ayon kay Labor Attaché John Rio Bautista ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, muling kukunin ng Dubai Duty Free shops ang nasa 600 na OFW na unang tinanggal sa trabaho.


Nakipag-ugnayan din ang gobyerno ng UAE para sa panunumbalik sa trabaho ng mga OFW at ilang employer din sa nasabing bansa ang nagpahayag ng interes na kumuha ng mga Pinoy at mga health professionals.


Aabot sa mahigit 8,000 job orders para sa mga household service workers (HSW) ang natulungan na ng POLO mula noong Abril kung saan 6,000 sa kanila ang dumating na sa Dubai.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021


ree

Pinauwi na sa Pilipinas ang 325 overseas Filipinos workers (OFWs) mula sa UAE noong Huwebes na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


Ayon sa Department of Foreign Affairs, kabilang sa mga na-repatriate ay 88 na “pregnant distressed overseas Filipinos.”


Saad pa ng ahensiya noong Huwebes, “A total of 325 distressed OFWs arrived this morning at the NAIA Terminal 1. This is the third flight from UAE this year especially chartered by the DFA through the Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) using the DFA’s Assistance to National Fund.”


Nilinaw naman ng DFA na sasailalim sa “stringent facility-based quarantine” ang mga napauwing OFWs bilang pagsunod sa health protocols ng Department of Health (DOH) - Bureau of Quarantine (BOQ).


Bukas pa rin umano ang DFA para sa mga Pilipinong nais umuwi sa bansa. Saad pa ni DFA Undersecretary for Migrant Workers' Affairs Sarah Lou Y. Arriola, "To our kababayan in distress, we hear you. We are here for you. “This recent arrival is a clear testament of our commitment to bring you home.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page