top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2021


ree

Patuloy pa ring nagsasagawa ng rescue operations dahil sa matinding pagbaha sa northern Turkey kung saan umabot na sa 44 ang mga nasawi.


Ayon sa disaster agency ng Turkey na AFAD, bumuo na ng special team upang maghanap ng mga posibleng survivors sa mga nalubog sa tubig na mga gusali at kabahayan dahil sa pagbaha na tumama sa Black Sea regions noong Miyerkules.


Noong Sabado, kinumpirma ng AFAD na umabot na sa 44 ang death toll at siyam na katao ang isinugod sa mga ospital. Samantala, nakaranas din ng pagbaha at landslides ang Niger dahil sa matinding pag-ulan kung saan umabot na sa 64 ang bilang ng mga nasawi.


Ayon sa opisyal ng Niger, 32 katao ang nasawi mula sa mga gumuhong gusali at 32 ang mga nalunod. Tinatayang aabot sa 70,000 katao ang apektado ng insidente at mahigit 5,000 kabahayan ang nasira. Ang mga lubos na naapektuhang rehiyon ay ang Maradi, Agadez sa Sahara Desert, at ang capital na Niamey.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 2, 2021


ree

Patay ang anim na katao at inilikas naman ang mga residente mula sa dose-dosenang villages sa southern Turkey matapos manalasa ang wildfire.


Ayon sa mga eksperto, lumalawak ang mga naaapektuhang lugar dahil sa malakas na hangin. Maging ang mga residente sa tourist city na Bodrum ay inilikas din dahil nadamay na rin ang naturang lugar sa wildfire na nararanasan sa kalapit na distrito nito na Milas dahil sa malakas na hangin.


Mahigit 540 residente na rin ang inilikas gamit ang mga bangka dahil hindi na madadaanan ang mga kalsada. Ayon sa datos ng EU, nakaranas na ang Turkey ng 133 wildfires ngayong 2021.


Pumapalo rin sa 49.1 degrees Celsius (120.3 Fahrenheit) ang temperatura sa southeastern town ng Cizre. Samantala, nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pananatili ng mataas na temperatura sa ilang lugar sa bansa.

 
 
  • BULGAR
  • Apr 27, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 27, 2021


ree

Isasailalim sa “full lockdown” ang Turkey simula sa April 29 hanggang May 17 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19, ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.


Noong Lunes, nakapagtala ang Turkey ng 37,312 bagong kaso ng COVID-19 at 350 na mga pumanaw sa loob lamang ng 24 oras, ayon sa datos ng health ministry.


Pahayag ni Erdogan, “We must quickly reduce the number of cases to less than 5,000 a day.”


Upang maabot ang naturang target, ipinag-utos ni Erdogan ang full lockdown para mapanatili ang mga tao sa loob ng bahay at ipinasara rin ang mga non-essential businesses.


Ipinasara rin ang mga paaralan at sa online muna isinasagawa ang mga klase. Nilimitahan din ang mga pampublikong transportasyon. Tuwing Linggo naman ay isasara rin ang mga supermarkets sa naturang bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page