top of page
Search

ni Thea Janica Teh | September 1, 2020



Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang proyekto ng Sangley Airport sa Cavite at prayoridad umano ng pamahalaan na matapos ang lahat ng major infrastructure programs bago matapos ang administrasyon ng pangulo sa 2022, ayon sa Malacañang.


Nagbigay na ng go-signal si P-Duterte sa airport project kahit lumabas ang balita na isinama sa blacklist ng US ang foreign contractor nito na China Communications Construction Co (CCCC).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi umano susunod si Pangulong Duterte sa direktiba ng mga Amerikano dahil malaya at independiente ang ating bansa.

Dagdag pa nito, kinakailangan umano natin ang mga namumuhunan galing sa bansang China.


Noong August 28, nagdesisyon ang United States na i-blacklist ang ilang Chinese firms kasama ang CCCC dahil sa mga alegasyon patungkol sa pagpapatayo ng building sa South China Sea.


Ang CCCC ay pinapatakbo ng Chinese government at kasama sa Sangley Point International Airport Project ang MacroAsia ni Lucio Tan.


Ayon naman sa MacroAsia, hinihintay na lamang nito ang ibibigay na instruction ng pangulo.


Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng $10 billion kasama na ang land reclamation at expansion ng kasalukuyang airport.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 1, 2020



Pumanaw na ang asawa ng bigtime businessman na si Lucio Tan na si Lucia “Letty” Gonzales sa edad na 77 nitong Lunes, August 31 dahil sa “lingering illness”, pagkumpirma ng kaanak nito.


"The Tan family requested family and friends to offer prayers for Mrs. Tan who lost her battle to a lingering illness," ayon sa inilabas na statement.


Ang mga naiwan ni Mrs. Letty Tan ay ang asawang si Lucio, 86, at mga anak na sina Michael & Angeline, Sharon & Edgard, John & Nancy, Cherry & Alfred, Timmy & Christine at mga apo nito.


"Our Mom will always be remembered for her kindness and big heart. We will all miss her. May the Lord God bless her soul as she joins Him in heaven," bahagi ng mga anak ni Tan.


Ang burol ay mangyayari sa Chapel 3 sa Heritage Park Memorial Chapel sa Taguig City mula September 2 hanggang 7, 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.


Ang interment ay sa September 8, alas-11 nang tanghali.

 
 

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020



Binisita nitong Linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo, Sulu para parangalan ang mga namatay na sundalo at magbigay ng pakikiramay sa pamilyang naiwan.


Habang suot ang face mask at cap, lumuhod si Pangulong Duterte at hinalikan ang sahig kung saan nangyari ang pagsabog. Naglagay din ito ng bulaklak at nagtirik ng kandila.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na ang ginawa niyang ‘yun ay para sa mga sundalo at sibilyang naging biktima sa pagsabog nang walang kalaban-laban.


Aniya, "This unfortunate incident is only one of the countless incidents that proved that we should never be complacent when it comes to terrorism. The recent bombings that took the lives of several civilians including those of your fellow soldiers will only further strengthen our resolve to crush the lawless elements behind this cowardly act.”


Ang pagsabog sa Jolo, Sulu ang pumatay sa 15 sundalo. Una nang kinilala ang dalawang suspek sa pagsabog at ito ay isang Indonesian widow ng 2019 Filipino suicide bomber at asawa ng Abu Sayyaf leader.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page