top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 13, 2020

ni Thea Janica Teh | September 13, 2020



Ipinakilala na sa publiko ng aktor na si Carlo Aquino ang kanyang baby na si Enola Mithi Aquino matapos mag-post sa kanyang Instagram account ngayong Linggo, Setyembre 13.


Sa kanyang post, ipinasilip ni Aquino ang mukha ng kanyang baby. Ito ay may caption na lyrics ng kanta ni Rico Blanco na “Your Universe”.


Ito ang panganay niyang anak sa girlfriend na si Trina Candaza. Una nitong kinumpirma ang relasyon nila noong 2019.


Welcome to the world, Enola Mithi!

 
 

ni Thea Janica Teh | September 8, 2020




Ipagbabawal na ng pamahalaan ang home quarantine para sa mga taong dinapuan ng COVID-19 ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.


Sa isang pahayag, sinabi ni Año na kinakailangang magsagawa ng “no home quarantine policy” upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Mapa-mayaman man o mahirap, dapat ay dalhin sa isolation facility ang mga magpopositibo.


Dagdag pa ni Año, may mga exception ngunit, hindi pa napa-finalize ang plano.

Nagbigay naman ito ng halimbawa tulad ng isang matanda na hindi kayang mag-isa sa isolation facility, ito umano ay exempted.


Una nang pinayagan ng pamahalaan ang mga COVID-19 patient na asymptomatic at mild cases na mag-home quarantine, basta may sariling kuwarto at CR dahil hindi na umano kaya ng ospital at kulang na rin ang pasilidad.


Ngunit, sinabi ni Año na magdaragdag ng isolation facility at hotel room para sa mga ito upang dito na magpagaling.


Samantala, bago ito maipatupad ay kinakailangan muna itong maipasa sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at kay Pangulong Duterte.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 8, 2020



Arestado ang 4 na binatilyo sa Valenzuela City matapos magsagawa ng isang prank noong Linggo, September 6, na ikinabahala ng mga residente.


Ang mga inaresto ng pulis ay sina Mark Francis Habagat, 20; Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20 at Wynzel Tan, 19.


Isang sako umano ang iniwan sa isang bakanteng lote sa Barangay Paso De Blas na naglalaman ng tao (Mark Francis Habagat) at ang tatlo naman ay nakatago at nagre-record ng video.


Isang concerned citizen ang nabahala at agad itong isinumbong sa pulis. Dinakip ng awtoridad ang apat na binatilyo at nahaharap ngayon sa alarm at scandal charges.

Bukod pa rito, binigyan din sila ng ordinance violation receipt sa paglabag sa City Ordinance No. 673 o social distancing at hindi paggamit ng quarantine pass.


Ayon sa mga kalalakihan, magsasagawa lang umano sila ng prank sa mga taong dadaan at planong i-upload ang video sa social media.Arestado ang 4 na binatilyo sa Valenzuela City matapos magsagawa ng isang prank noong Linggo, September 6, na ikinabahala ng mga residente.


Ang mga inaresto ng pulis ay sina Mark Francis Habagat, 20; Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20 at Wynzel Tan, 19.


Isang sako umano ang iniwan sa isang bakanteng lote sa Barangay Paso De Blas na naglalaman ng tao (Mark Francis Habagat) at ang tatlo naman ay nakatago at nagre-record ng video.


Isang concerned citizen ang nabahala at agad itong isinumbong sa pulis. Dinakip ng awtoridad ang apat na binatilyo at nahaharap ngayon sa alarm at scandal charges.


Bukod pa rito, binigyan din sila ng ordinance violation receipt sa paglabag sa City Ordinance No. 673 o social distancing at hindi paggamit ng quarantine pass.


Ayon sa mga kalalakihan, magsasagawa lang umano sila ng prank sa mga taong dadaan at planong i-upload ang video sa social media.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page