- BULGAR
- Oct 2, 2020
ni Thea Janica Teh | October 2, 2020

Umabot na sa 10,136 mula sa 55,000 na nag-apply bilang contact tracer ang na-hired ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Biyernes.
Ayon kay Secretary Eduardo Año, nakapailalim umano sa Bayanihan 2 Law na bago matapos ang buwan ng Oktubre ay target nitong makakuha ng kabuuang 50,000 contact tracer upang makatulong sa paglaban sa COVID-19.
“Hindi tumitigil ang mga tanggapan ng DILG sa highly urbanized cities at probinsiya sa pagproseso at pagtanggap ng mga aplikante,” dagdag ni Año.
Sa ngayon ay nasa 47,000 aplikante pa ang dumadaan sa proseso at inaasahan na lolobo pa ito sa mga susunod na araw.
Samantala, sinabi naman ni DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na ang first batch ng 10,000 na na-hired ay sasailalim na sa training para sa kanilang deployment, nationwide.
“We are looking for the most fit and qualified individuals for the job dahil very challenging ang kanilang magiging trabaho for the next 3 months. Their work on the ground is crucial in our battle against COVID-19,” sabi ni Malaya.
Nauna nang sinabi ni Malaya na made-deploy ang mga contact tracer kung saan mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 at isa na rito ang National Capital Region (NCR).






