- BULGAR
- Oct 20, 2020
ni Thea Janica Teh | October 20, 2020

Inihayag ng pambato ng Cavite sa Miss Universe Philippines 2020 na si Kimberly “Billie” Hakenson na siya ay isang bisexual sa isang closed door interview nitong Linggo.
Sa isang uploaded video sa YouTube nitong Lunes, mapapanood ang pag-amin ng kandidata.
Aniya, “I’m Billie Hakenson, representing Cavite and I’m a bisexual and I’m proud to be here.”
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Billie sa kanyang Instagram account ang litrato at may caption na “I know who I am, I know what I can do. I will tell my story as truly as I can and I will enjoy every bit of this journey as I build myself."
Samantala, mapapanood na sa Linggo, Oktubre 25, 9:00 AM, ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2020 na ipapalabas sa GMA-7.






