top of page
Search

ni Thea Janica Teh | October 26, 2020




Labing-dalawang mangingisda sa Catanduanes ang naiulat ngayong Lunes na nawawala dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Quinta, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal, ang mga mangingisda ay mula sa Bgy. Pananogan, Bato; Bgy. Cagdarao, Panganiban at Bgy. District 3, Gigmoto.


Dagdag pa ni Timbal, patuloy pa rin ang mga ito sa pagkalap ng detalye tungkol sa pagkawala ng mga mangingisda.


Sa ngayon ay wala pang natatanggap na impormasyon ang NDRRMC na namatay dahil sa bagyong Quinta. Umabot sa 2,475 pamilya o 9,235 katao mula sa Region 4A (Calabarzon), 4B (Mimaropa), 5 at Cordillera Administrative Region ang apektado ng bagyong Quinta.


Bukod pa rito, nawalan din ng kuryente ang bayan ng Quezon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon dahil sa lakas ng hangin na dulot ng bagyo.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 26, 2020




Inanunsiyo ngayong Lunes ng ilang oil firms na magbabawas sila ng presyo ng diesel simula sa Martes, Oktubre 27.


Tinatayang P0.25 ang ibabawas sa presyo kada litro ng diesel sa Shell, Petron Gazz, Cleanfuel at Seaoil.


Samantala, P0.15 kada litro ng kerosene ang iaawas ng Shell at Seaoil. Mananatili naman ang presyo ng gasoline ngayong linggo.


Simula bukas nang alas-6 ng umaga magiging epektibo ang bawas-presyo maliban sa Cleanfuel na magsisimula ng 8:01 ng umaga.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 25, 2020




Mas lalo pang lumakas ang bagyong Quinta matapos mag-landfall sa San Miguel Island sa Tabaco City, Albay ngayong Linggo, 6:10 ng gabi.


Ayon sa PAGASA, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ang Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur (Goa, Ocampo, Bula, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Tigaon, Sagnay, Buhi, Irigan City, Baao, Nabua, Bato, Balatan), Albay, Sorsogon, Burias Island at Ticao Island.


Samantala, nakararanas naman ng TCWS No. 2 ang Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Masbate, at gitna at bahaging timog ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco).


Nakararanas din ng Signal No. 2 sa bahaging timog ng Laguna (Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Liliw, Rizal, Nagcarlan, San Pablo City, Alaminos, Magdalena, Pagsanjan), Batangas, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island at Northern Samar.


Nananatili namang nasa TCWS No. 1 ang natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, Rizal, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at bahaging timog ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan), Calamian Island, hilagang bahagi ng Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas).


Ganundin, nasa TCWS No. 1 ang hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft), hilagang bahagi ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pilar, Pontevedra, President Roxas), Aklan, hilagang bahagi ng Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi) at hilagang-silangan ng Iloilo (Batad, Balasan, Estancia, Carles).


Inaasahan na makalalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Quinta sa Martes nang hapon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page