top of page
Search

ni Thea Janica Teh | October 30, 2020





Patay ang 49-anyos na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kinikilala ring pinuno ng sindikato ng droga sa Calamba City, Laguna matapos makaengkuwentro ang mga pulis nitong Huwebes.


Kinilala ang suspek na si Jail Officer 3 Joseph Rey Villegas. Kuwento ng Laguna Police Provincial Office, nauwi umano sa barilan ang isinagawang buy-bust operation laban dito.


Dagdag pa ng mga pulis, si Villegas umano ang lider ng Villegas drug group na nagtutulak ng droga sa Calamba City pati na rin sa Tanauan City sa Batangas.


Kabilang si Villegas sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte at kinikilala ring high-value individual sa probinsiya.


Isinugod pa sa ospital si Villegas ngunit, binawian din ng buhay. Nakuha sa kanya ang motorsiklo, 9mm na baril na may marka pa ng BJMP, mga bala at isang plastic bag na naglalaman ng 10 pakete ng shabu.


Ayon pa sa mga pulis, galing sa mga high-value drug personality na nakakulong sa kanyang pinagtatrabahuhan ang mga shabu.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 29, 2020




Isa na namang namumuong bagyo ang namataan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao ngayong Huwebes habang ang binabantayang bagyo sa Central Luzon ay hindi pa nakakapasok ng bansa.


Ang bagyo ay may international name na “Goni” at ito naman ay papangalanang “Rolly” pagpasok ng Pilipinas.


Ito ay huling namataan sa 1,705 km silangang bahagi ng Central Luzon at papuntang kanluran sa 10 kph. Ito ay may maximum wind na 65 kph at may bugso ng hangin sa 80 kph.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, ang namataang bagyo sa silangang bahagi ng Mindanao ay maaaring pumasok ng bansa at magdala ng epekto rito kaya naman umantabay sa update ng PAGASA.


Sa ngayon ay magdadala ng pag-ulan sa Caraga at Davao Region ang intertropical convergence zone (ITCZ) habang makararanas naman ng malakas na hangin ang Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan at Babuyan Island.


Makararanas din ngayong Huwebes ang Metro Manila ng manaka-nakang pag-ulan at pagkidlat.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 28, 2020




Suspendido ng anim na buwan ang limang opisyal ng Department of Health (DOH) dahil hindi nila naibigay sa mga health workers ang kanilang mga benepisyo sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Sa inilabas na utos ni Ombudsman Samuel Martires nitong Martes, kinilala ang mga opisyal na sina:


• Director Kenneth Ronquillo of the DOH Health Human Resource Development Bureau;

• DOH Assistant Secretary Maylene Beltran;

• Dr. Roger Tong-an of DOH Administration and Financing Team;

• Dr. Laureano Cruz of DOH Administration and Financing Team; and

• Administrative Officer Esperanza Carating.


Ayon kay Martires, ang pagsuspinde sa mga ito ay alinsunod sa Ombudsman Law at Rules of Procedure sa kanyang opisina.


Sa utos na ito, maisasagawa ang pagkalap ng mga dokumento na magiging ebidensiya at magpapatibay sa kasong kanilang kakaharapin. Ito rin ang paraan upang maiwasan ang pagtanggi ng mga ito.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Martires na hindi nakikiisa ang DOH sa pagsisiyasat ng Ombudsman patungkol sa responde sa COVID-19 kahit na ilang beses nang sinabi ni Health Secretary Francis Duque III na makikiisa sila sa imbestigasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page