top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 1, 2020





Umabot na sa 7 katao ang naitalang namatay sa Albay at 390,000 indibidwal ang inilikas sa Bicol Region dahil sa Bagyong Rolly.


Sa inilabas na datos ng Department of National Defense, dalawa sa namatay ay nagmula sa Malinao at tig-iisa naman sa munisipalidad ng Daraga, Guinobatan, Oas, Polangui at Tabaco City.


Umabot naman sa 107,831 pamilya o 390,298 indibidwal ang inilikas sa kanilang tahanan. Nasa evacuation center na ang 344,455 habang ang 49,682 naman ay nasa labas pa ng mga center.


Bukod pa rito, 1,013 pasahero sa Bicol seaport ang na-stranded kasama ang 426 truck, 32 light vehicle, 1 bus at 1 sea vessel.


Samantala, limang kalsada naman ang pansamantalang hindi madaraanan dahil sa baha kabilang ang DM Jct Legazpi Sto. Domingo-Tabaco-Tiwi Cam Sur Bdry Road (Lidong Section); Basud Bridge; DM Jct Legazpi-Sto.Domingo-Tabaco-Tiwi Bdry Road; Comun-Inarado-Penafrancia Bdry Road at Daang Maharlika (Polangui Section).

 
 

ni Thea Janica Teh | November 1, 2020





Nag-landfall na sa Lobo, Batangas ang Bagyong Rolly at ito na ang ikaapat na landfall sa bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA.


Namataan ng PAGASA nitong alas-5 ng hapon ang bagyo sa 50 kms south southwest sa Tayabas, Quezon na gumagalaw sa 25 km per hour. Ito ay may maximum wind na 165 kph at may bugso ng hangin sa 230 kph.


Nakapailalim pa rin sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 3 ang mga sumusunod na lugar:

  • Metro Manila

  • Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Narciso, Subic, Olongapo City, Castillejos, San Antonio)

  • Bataan

  • Southern portion ng Pampanga (Floridablanca, Guagua, Minalin, Apalit, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Lubao)

  • Southern portion ng Bulacan (Baliuag, Bustos, Angat, Norzagaray, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Malolos City, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan City, Obando, Bulacan, Paombong, Hagonoy)

  • Rizal

  • Quezon including Polillo Islands

  • Cavite

  • Laguna

  • Batangas

  • Marinduque

  • Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Island

  • Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Naujan Lake, Pola, Socorro).


Samantala, nakataas pa rin sa TCWS No. 2 ang mga sumusunod na lugar na makararanas ng 61-120 kph wind:

  • Natitirang bahagi ng Zambales

  • Natitirang bahagi ng Pampanga

  • Natitirang bahagi ng Bulacan

  • Southern portion ng Tarlac (Concepcion, Capas, Bamban)

  • Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

  • Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro

  • Southern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gapan City, Peñaranda, San Leonardo, Jaen, San Isidro, Cabiao, San Antonio)

  • Nakararanas naman ng 30-60 kph wind ang mga sumusunod na lugar kaya naman nakapailalim pa rin ang mga ito sa TCWS No. 1:

  • Mainland Cagayan

  • Isabela

  • Apayao

  • Kalinga

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • Abra

  • Ilocos Norte

  • Ilocos Sur

  • La Union

  • Benguet

  • Nueva Vizcaya

  • Quirino

  • Natitirang bahagi ng Aurora

  • Natitirang bahagi ng Nueva Ecija

  • Natitirang bahagi ng Tarlac

  • Camarines Sur

  • Camarines Norte

  • Burias Island

  • Romblon

  • Calamian Islands


Inaasahan naman na makalalabas na ng bansa ang Bagyong Rolly sa Lunes nang gabi o Martes nang umaga.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 30, 2020





Idineklara ni Chief Justice Diosdado Peralta ngayong Biyernes na half day lang ang pasok sa lahat ng korte ngayong Oktubre 30, 2020. Ito ay para ipagdiwang ang All Saints’ at All Souls’ Day kahit pa ipinagbabawal ngayong taon ang pagbisita sa mga sementeryo upang maiwasan ang pagdagsa ng tao at pagkalat ng COVID-19.


Sa inilabas na Memorandum Order No. 71-2020, nakasaad na hanggang tanghali lamang ang pasok ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, Presidential Electoral Tribunal at lahat ng first at second-level courts.


Samantala, tuloy pa rin ang Training Seminar ng Philippine Judicial Academy sa 2019 Amendments to the 197 Rules of Civil Procedure and to the Revised Rules on Evidence. Mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, sarado ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo pati na rin ang columbarium sa buong bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page