top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 29, 2020




Patay ang anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat matapos mabaril sa isang engkuwentro sa pagitan ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) ng Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur nitong Sabado, Nobyembre 28.


Sa inilabas na pahayag ng mga militar, hinihinalang kabilang si Jevilyn Campos Cullamat o mas kilala sa “Ka Rep” sa medic ng mga NPA. Siya ang bunsong babaeng anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat.


Kuwento ng mga militar, agad nilang sinamahan ang pamilya ni Cullamat upang makita at makuha ang bangkay nito.


Bukod pa rito, nakuha rin sa mga ito ang ilang mga armas tulad ng 3 AK-47 rifles, 1 M14 rifle at M653 rifle at 5 backpacks na naglalaman ng combat equipment at ilang mahahalagang dokumento.


Samantala, naghatid naman ng pakikiramay si Brigadier General Allan D. Hambala at sinabing “We are saddened because we know that she and her family were just victims of the CNTs’ (communist NPA terrorist) destructive and pointless ideology. While there are issues concerning the IPs, violent, armed, and terrorist struggle will never be the right solution to it.”

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 29, 2020




Hello, Bulgarians! Inanunsiyo nitong Biyernes, Nobyembre 27 ng Pag-IBIG Fund na iuusod na ang implementasyon ng pagtaas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro upang isaalang-alang ang kalagayan ng mga empleyado at business owner sa panahon ng pandemya.


Ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario na siya ring head ng Department of Human Settlement and Urban Development at 11-member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees na inaprubahan nito ang rekomendasyon ng management ng ahensiya na ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro mula P100 sa P150 sa 2021 ay iuusod na sa Enero 2022.


Aniya, “We know that many of our members and employers faced financial challenges in the last few months because of the effects brought about by the pandemic to the economy. After consulting with our stakeholders, we will no longer push through with the increase of the members’ monthly contributions next year.”


Matatandaang noong 2019 ay inaprubahan ng ahensiya na taasan ang kontribusyon ng mga miyembro upang magkaroon ng sapat na pondo at mapanatili ang pinakamababang rate sa mga loan.


Ibinahagi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na kahit nagkaroon ng pandemya ngayong 2020 ay patuloy pa rin ang pataas ng bilang ng mga kumukuha ng home loan.


Aniya, “While demand has not been what it was in previous years, we are already noticing the increasing number of availment, signaling that our economy has started to recover.”

Sa katunayan, ngayong 2020, nakapaglabas na ng P44.16 bilyon ang ahensiya sa home loans para sa 43,733 miyembro.


Sinisigurado naman ni Moti na patuloy pa rin ang serbisyo ng ahensiya sa kabila ng nararanasang sakuna at pandemya. Hindi rin umano ito excuse sa hindi pagbigay ng magandang serbisyo para sa mga miyembro. Aniya, “That is the Lingkod Pag-IBIG way.”

 
 

ni Thea Janica Teh | November 28, 2020




Ilegal, malupit, kakatwa, mapaghiganti at labag sa konstitusyon.


Ganito inilarawan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagsisingit nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara sa GAA (General Appropriations Act) Bill for 2021 na tanggalan ng budget ang PAO para sa plantilya o suweldo ng kanilang mga forensic doctors.


Aniya, "Forensic Laboratory Division: Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division."


Ayon sa PAO, ito umano ay pangha-harass sa mga doktor at personnel ng kanilang forensic lab na tumutulong upang makamtan ang hustisya ng mga nabiktima ng dengvaxia at iba pang kaso na hawak ng mga ito. Ito umano ay malinaw ding pagte-terminate sa kanilang mga kawani.


Dagdag pa ng PAO, dahil ito umano ay ilegal at hindi ayon sa law of insertion mula sa opposition senator, hindi ito dapat tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapanatili ang batas, human rights at hustisya para sa mga mahihirap.


Samantala, itinaas nina Senator Drilon, Angara at Lacson sa P320 milyon ang budget para sa Commission on Human Rights (CHR) forensics and medico-legal service para sa GAA 2020.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page