top of page
Search

ni Thea Janica Teh | December 13, 2020


ree


Masayang ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili sa kanyang social media account ngayong Linggo na nanganak na siya nitong Sabado ng baby girl.


Sa Instagram post, makikita na nakasuot pa ito ng hospital gown, face mask at face shield habang pinapa-breast feed ang kanyang baby.


"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita," caption ni Halili sa kanyang post.

"Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa," dagdag pa nito.


Samantala, proud na proud ding ibinahagi ng asawa ni Halili na si Heron Manzanero ang picture nilang mag-ama at sinabing “I promise to hold your hand forever, Martina.”


Sa kanilang latest vlog, inanunsiyo ng mag-asawa na papangalanan nilang Martina ang kanilang panganay.


Matatandaang nitong Hunyo inanunsiyo ni Halili ang kanyang pagdadalantao.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 13, 2020


ree

Nasungkit ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang dalawang bronze medal sa All- Japan Gymnastics Championships ngayong Linggo at sigurado nang makakasali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.


Naiuwi ng 20-anyos na gymnast ang parehong medalya sa floor exercises at vault na may score na 15.200 (floor exercise) at 14.866 (vault) na ginanap sa Takasaki Arena.


Kaya naman pasok bilang top 8 sa overall men’s all-around si Yulo na may total score na 170.032.


Sa world champion ng floor exercise noong 2019, isa si Yulo sa apat na Pinoy na sigurado nang pasok sa Tokyo Games kabilang ang mga boxer na sina Irish Magno at Eumir Marcial at pole vaulter na si EJ Obiena.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 12, 2020


ree


Pinayagan na ng United States Food and Drug Administration ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc. nitong Biyernes at ito na umano ang pinakamalaking turning point ng US kung saan 292,000 katao ang namatay dahil sa virus.


Napatunayang epektibo ng 95% ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc at BioNTech sa late-stage trial nito.


Ayon sa US FDA, ibibigay ang vaccine sa mga taong may edad 16 pataas.


Uunahing mabigyan ng halos 2.9 milyong doses ng vaccine ang mga health care workers at matatandang nasa long-term care facilities.


Sinundan ng US ang United Kingdom at Canada sa approval ng paggamit ng COVID-19 vaccine na gawang Pfizer-BioNTech.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page