top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 19, 2020

ni Thea Janica Teh | December 19, 2020


ree


Patay ang dalawang katao kabilang ang isang person with disability (PWD) matapos masunog ang tinitirhan nitong lumang residential building sa Barangay Pagasa, Quezon City nitong Biyernes nang gabi.


Napag-alamang magkapatid ang mga biktima na kinilalang sina Juanita Ramo, 58-anyos at Silvestre Ramo, 63-anyos na naka-wheelchair.


Ayon kay Bureau of Fire Protection Quezon City District Director Senior Superintendent Joe Bangyod, nagsimula ang sunog sa ikaapat na palapag. Namatay umano ang magkapatid sa suffocation dahil ang unit nito ay nasa ikalimang palapag kung saan umaakyat ang usok.


Dagdag pa ni Bangyod, nakita nilang maraming nakatambak na papel at gulong sa pinagmulan ng sunog na dahilan umano ng paglaki nito.


Nakita rin ng isang residente na sa unit na ‘yun ay nasusunog ang aircon. Kaya naman isa ito sa tinitingnang dahilan ng sunog ng mga bumbero.


Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal nang halos isang oras. Apektado sa sunog ang 8 pamilyang nakatira sa nasabing gusali.


Samantala, tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng istrakturang napinsala sa sunog.

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 18, 2020


ree


Nagsalita na ang Tribal leaders of the Kaksaan Ne Dumaget De Antipolo, Inc. nitong Disyembre 15, 2020 sa isang press conference tungkol sa akusasyon ng mga opisyal ng Masungi Georeserve na pinangungunahan ni Benjamin Dumaliang, President ng Blue Star Construction at Development Corp at operator ng Masungi na sila umano ay mga illegal loggers, squatter at land grabber na naging dahilan ng pagbaha sa Marikina City.


Ayon kay Tribal Chiefstain Ernesto Doroteo na isang Bayaning Filipino Awardee noong 2006, puro kasinungalingan umano ang sinabi ng Masungi at sila umano kasama ang mga military ang kumukuha at nagpapalayas sa kanilang property noong Oktubre 2020. At kung hindi umano sila tinulungan ni Retired Gen. Luizo Ticman simula 1990, wala na umano ang kanilang mga ancestral homeland.


Ibinahagi naman ni Enrico Vertudez, Kaksaan president; Alex Bendaña, chieftain at ng security guards ng Dumagats ang mapa ng kanilang nasasakupan na kinuha umano ng Masungi kasama ang kanilang Sacred Ground.


Dagdag pa ni Doroteo, matagal na umanong magka-partner ang Dumagat at Ticman sa pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng ilang livelihood projects simula pa noong 1990.


Kaya naman noong 2019, lumapit ang mga ito kay Ticman upang matulungan sila sap ag-develop ng kanilang kalupaan at ito ay nagresulta ng pagkakaroon ng proyektong kung tawagin ay Sustainable Integrated Development Plan (SIDP).


“Through the media, we are seeking the help of President Duterte and the National Commission on Indigenous People (NCIP) and DENR to uphold the rule of law and not to believe the lies peddled by Masungi. We, as the legal and real stakeholders, are culturally and legally-bound to preserve and conserve our ancestral domain,” sabi ni Doroteo.


Ayon naman sa abogado ng mga ito na si Juancho Botor, magsasampa na umano ito ng kaso laban sa Masungi upang maprotektahan ng mga Dumagat ang kanilang lupain at hindi na sakupin pa ng Masungi.


Nakapaglabas na rin ang mga Dumagat ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang makapaglagay ng border sa kanilang ancestral domain.

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 17, 2020


ree


Hello, Bulgarians! Matapos ang successful ceremonial signing ng 2.6M doses ng COVID-19 vaccine para sa pribado at pampublikong sektor o “A Dose of Hope” na pinangunahan nina Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, National Task Force at Philippine Vaccine Czar Charlie Galvez, AstraZeneca Philippines Country President Lotis Ramin at halos 30 comapnies na lumahok sa Zoom, inanunsiyo ni Concepcion na aprubado na ang 2nd part nito.


Ayon kay Concepcion, mahigit sa 2.6M ang napagkasunduang vaccine, ngunit sinakto ito sa 2.6M alinsunod sa supply timeline ng ibang bansa at institusyon.


Aniya, “The donations from private sector had potential to go over 3 million. This development is really fantastic. I thank the Astra group for their efforts for really helping the Philippines.”


Dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga pribado at pampublikong sektor, magsasagawa na muli ito ng 2nd part sa pagbili ng vaccine. Nagbigay na ng request sa AstraZeneca upang makapaglaan muli sa atin ng supply.


Kaya naman, sa pakikipagtulungan ni Concepcion sa pribadong sektor at pamahalaan, sigurado nang may darating sa ating vaccine. Ito rin umano ang bunga ng walang sawang pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor sa pamahalaan.


“So far this private-public partnership is working so well and has become a template for the private sector in this war against COVID-19,” dagdag ni Concepcion.


Matatandaang pinangunahan din ni Concepcion ang COVID-19 testing noong nagsisimula pa lamang itong kumalat at ngayon, nangunguna muli ito sa pagbibigay naman ng vaccine laban sa COVID-19.


“With all these announcements, our Filipino people can be assured that we will not be left behind…We will soon see this pandemic disappear.”


Bahagi pa ni Concepcion, darating ang panahon, hindi na umano tayo mamimili kung mabubuhay o pangkabuhayan dahil posible lahat sa pakikipagtulungan ng pribado at pampublikong sektor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page