- BULGAR
- Dec 22, 2020
ni Thea Janica Teh | December 22, 2020

Isang Magnitude 4 na lindol ang tumama sa Davao Occidental ngayong Martes nang umaga, ayon sa Phivolcs.
Ito ay naramdaman kaninang 9:19 am sa southwest ng bayan ng Sarangani na may lalim na 30 kilometers. Ito rin umano ay isang aftershock sa nakaraang magnitude 6.2 na lindol na tumama noong Miyerkules.
Wala namang inaasahang aftershock sa nangyaring pagyanig.
Samantala, naramdaman din ang Instrumental Intensity II sa General Santos City at Instrumental Intensity I sa bayan ng Kiamba at Alabel sa Sarangani province.
Kaninang madaling-araw ay niyanig din ng Magnitude 4.9 na lindol ang Quezon Province at naramdaman hanggang Metro Manila.
Wala namang naitalang nasugatan o nasirang istruktura sa nangyaring pagyanig.






