top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 6, 2024



Photo: Kathryn Bernardo / Instagram


Maraming fans ng KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) love team ang nagtatanong o nagtataka kung ano ang role ni Dominic Roque sa buhay ni Kathryn Bernardo. Bakit lagi na lang siyang nakadikit sa aktres, gayung sina Alden at Kathryn ang ibini-build-up na tandem ngayon? 


At may movie ang KathDen na malapit nang ipalabas, ang Hello, Love, Again (HLA). 

Nabulabog tuloy ang mga KathDen fans nang lumabas sa socmed (social media) ang larawan nina Kathryn at Dominic nang dumalo sila sa isang Halloween Party. Bakit daw si Dominic at hindi si Alden ang kasama ni Kathryn sa nasabing event? 


Paliwanag naman ni Dominic, matagal na silang magkaibigan ni Kathryn at talagang close sila. Walang ibang kahulugan kung nakikita silang magkasama sa ilang events. 

Pero, ipinagtataka naman ng mga netizens, bakit pati sa gym at pagpunta ni Kathryn sa wellness clinic ni Dra. Aivee ay si Dominic pa rin ang kasa-kasama ni Kathryn? 

Well, medyo naguguluhan lang ang mga tagahanga ng KathDen love team sa pagpasok nito sa buhay ni Kathryn. May plano ba siyang ligawan si Kathryn sakaling hindi pumasa si Alden sa aktres? 


Naalala tuloy nila ang hula ng isang psychic na hindi swak ang tandem nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil ang hanap ng aktres ay lalaking medyo brusko at agresibo, samantalang napakabait at decent daw ng Kapuso actor.


Napuno na sa babaerong mister, nilayasan… 

PRISCILLA, 'DI RAW KAILANGAN ANG DATUNG NI JOHN, ANAK KAYANG ITAGUYOD



Pinanindigan na ni Priscilla Meirelles ang desisyon niyang hindi na makipagbalikan pa sa kanyang mister na si John Estrada. Dumating na siya sa puntong sagad na ang kanyang pasensiya at hindi na niya kayang tiisin ang pambababae ng aktor. 


Ilang beses na siyang nagpatawad upang maisalba ang kanilang pagsasama ni John, pero sadyang hindi maalis-alis ang pagiging ‘chickboy’ nito, kaya hindi na umaasa si Priscilla na magbabago ang mister.


Katunayan nito ay ang pagdi-display ni John ng bago niyang chick na bata pa at maganda, kaya’t nag-give-up na si Priscilla at ayaw nang magpakamartir. Kumilos na siya upang magkaroon ng bagong buhay alang-alang sa kanyang anak. Kaya naman daw niyang itaguyod mag-isa ang anak nila ni John. 


Sa ngayon, kailangan niyang pagmalasakitan ang sarili upang bumalik ang kumpiyansa niya. Beauty queen siya, bata pa at maganda, may maganda pang oportunidad na naghihintay sa kanya.



MARAMI ang labis na nagtatanong sa balitang nag-resign na si Direk Mark Reyes para sa Sang'gre project. Kusa ba siyang umalis o tinanggal siya sa nasabing fantasy serye?


Malaking bahagi si Direk Mark sa Encantadia, kaya naman sa kanya pa rin ipinagkatiwala ng GMA Network ang Encantadia Chronicles: Sang’gre, ang sequel ng Encantadia


Nakapag-taping na para sa gagawing pilot episode. Ngunit ayon sa balita, naging matagal, mabagal at magastos ang production cost nito, kaya nagkaroon ng internal problems na naging sanhi ng pagpapaalam ni Direk Mark. 


Wala pa siyang statement tungkol sa kanyang pag-backout sa nasabing project. Dalawang direktor ang ipinalit sa kanya, sina Rico Gutierrez at Enzo Williams. 


Matatandaan na si Direk Mark ang nagpursige upang magkaroon ng sequel ang Encantadia. Kaya marami ang nagtataka kung bakit siya umalis o iniwan ang project. 

For sure, hahanapin din si Direk Mark Reyes ng mga OG stars ng Encantadia.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 5, 2024



Photo: Sarah Lahbati / Instagram


Marami ang nakakapansin na blooming at maliwanag ang aura ngayon ni Sarah Lahbati, patunay na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez. 


Paninindigan na ni Sarah ang pagiging single mom sa dalawang anak nila ni Richard. Malaking tulong sa kanya na may pamilya siyang very supportive at inaalalayan siya sa pinagdaraanan niyang marital problems. Meron din siyang circle of friends na dumamay at binigyan siya ng moral support.


Well, hindi si Sarah ang tipo ng babaeng martir sa pag-ibig. Kaya niyang harapin ang mga pagsubok na dumarating. Hindi siya nag-self-pity nang maghiwalay sila ni Richard Gutierrez. 


Bata pa, maganda at very smart si Sarah Lahbati, puwede pa niyang balikan ang kanyang showbiz career at palawakin ang kanyang mundo. 


At dahil nasa kanya ang dalawang anak, feeling ni Sarah ay panalo siya sa aspeto ng pagiging isang ina.



Tatakbong vice-governor ni Vilma… LUIS, BETERANONG PULITIKO ANG BABANGGAIN SA BATANGAS



Dapat paghandaan nang husto ni Luis Manzano ang kanyang pagtakbo sa darating na midterm elections sa 2025. Mabigat at beteranong politician ang kanyang makakalaban. Ito ay ang ex-governor ng Batangas na si Hermilando “Dodo” Mandanas, na nagsilbing gobernador ng Batangas ng tatlong termino. 


Taong 2016 pa siya nahalal na gobernador ng Batangas, kaya kilalang-kilala na ng mga Batangueño. Maganda ang track record nito, kaya lagi siyang ibinoboto. 


At dahil tapos na ang kanyang third term bilang governor ng Batangas, kakandidato siya ngayon bilang vice-governor. Dito sila magkakasalpukan ni Luis Manzano na VG din ang tatakbuhin sa midterm elections. Magka-tandem si Luis at ang kanyang mom na si Vilma Santos na kandidatong gobernador ng Batangas.


Well, tiyak na aabangan ng lahat ang salpukang Manzano at Mandanas sa pagka-VG ng Batangas. Ano’ng diskarte-strategy kaya ang gagawin ng kampo ni Luis Manzano upang talunin ang isang veteran politician? Kailangan na full force ang gawing pangangampanya ng mga Vilmanians sa Batangas.


Sa iba nakahanap ng kakampi… 

MGA BFF NI WILLIE, DEDMA SA PAGTAKBO NIYANG SENADOR



Sa kabila ng mga pambabatikos kay Willie Revillame dahil sa desisyon niyang tumakbong senador sa midterm elections, may ilang grupo naman na sumusuporta sa kanyang kandidatura.


Nakakuha nga ng kakampi si Revillame sa Manila Teachers Partylist dahil pareho raw sila ng ipinaglalaban. 


Marami naman ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay walang comment/reaction ang malalapit na kaibigan ni Willie Revillame tungkol sa pagpasok niya sa pulitika. At hindi rin naman nababanggit ni Revillame kung sinu-sino ang mga kaibigang celebrities na tutulong sa kanya sa pangangampanya.


Well, inihanda naman ni Revillame ang sarili niya kung anuman ang kahihinatnan ng kanyang pagtakbong senador. For sure, hindi uubusin ni Willie ang kanyang kabuhayan upang gumastos nang bongga sa kanyang pangangampanya. Matalino at madiskarte si Willie at mahusay humawak ng kanyang finances.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 4, 2024



Photo: Robin at Mariel - IG marieltpadilla Instagram


Alam ni Mariel Rodriguez na allowed sa mga lalaking Muslim ang pagkakaroon ng hanggang apat na asawa. Pero nag-usap sila ni Sen. Robin Padilla at nagbigay ng kondisyon bago nagpakasal, gusto ni Mariel na siya lang ang nag-iisang asawa at wala nang ibang makakahati pa. 


So far, maayos naman ang kanilang naging pagsasama at hindi na natukso si Sen. Robin sa ibang babae. Kaya masayang-masaya at kuntento na si Mariel sa pagiging Mrs. Padilla.


Ayon kay Mariel, dalawang bagay lang ang ayaw ni Sen. Robin na kinokontra ‐ ang mga bagay na may kinalaman sa mga anak nila ng kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, at ang mga ginagawa niya para sa Mindanao. 


Malaki ang pagmamalasakit ni Sen. Robin sa Mindanao at sa kanyang mga Muslim brothers, anumang oras ay handa siyang tumulong kung sakaling may hidwaan at kaguluhan na magaganap sa Mindanao. At hindi siya puwedeng pigilan ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang mga desisyon.



CURIOUS si Gelli de Belen kung bakit tinanggap agad ni Boy Abunda si Ariel Rivera upang i-manage ang career nito kahit hindi pa nga naririnig ni Boy Abunda na kumanta ito. 


Ang sikat na composer na si Vehnee Saturno ang naglapit at nagpakilala kay Ariel sa King of Talk. Bagong dating pa lang noon si Ariel na lumaki sa Canada. 


Ayon kay Abunda, ‘gut feel’ lang ang kanyang naging basehan kaya tinanggap at tinulungan ang career ni Ariel at hindi nga siya nagkamali dahil sumikat ito at kinabaliwan ng mga kolehiyala. 


Samantala, may hindi rin makakalimutang experience si Ariel noong baguhan pa lamang siya. Pinag-guest daw siya agad sa concert ng Concert Queen na si Pops Fernandez na ginanap sa Ultra. Sobrang nerbiyos ni Ariel nang umakyat sa stage para kumanta. Pero, inalalayan daw siya at tinulungan ni Martin Nievera, kaya nakaraos ang kanyang first guesting sa concert. 


Kaya naman hanggang ngayon, tumatanaw ng malaking utang na loob si Ariel Rivera sa dati niyang manager na si Tito Boy Abunda.



BAGAMA’T hindi pinalad na makapasok sa MMFF 2024 ang pelikulang IDOL: The April Boy Regino Story, ay maluwag na tinanggap ng mabait na producer ng Premiere Waterplus Production na si Marynette Gamboa. Aminado rin naman si Direk Efren Reyes, Jr. na mabibigat ang mga pelikulang napili ng MMFF Committee. 

May Vilma Santos-Aga Muhlach movie, may Vic Sotto-Piolo Pascual tandem, at may Vice Ganda entry pa! 


Matitindi ang mga maglalaban-labang pelikula sa filmfest, kaya okay na rin na sa Nov. 27 na nila ipapalabas sa mga sinehan ang IDOL: The April Boy Regino Story.


Well, hindi na lang pinapansin ng Premiere Waterplus Productions ang pangmamaliit sa kanilang pelikula. Alam ng lady producer na si Marynette Gamboa na marami pa ring tagahanga ang yumaong music icon na si April Boy Regino na magkakaroon ng interes na panoorin ang kanyang biopic. 


At kahit na mga baguhan ang kanilang bida sa movie na sina John Arcenas at Kate Yalung, magaling silang umarte, lalung-lalo na si John na todo ang effort na ginawa upang magmukha siyang si April Boy Regino. 


Pati ang style at timbre ng boses ni April Boy ay kanya ring ginaya. 

Kuwento naman ng lady producer, hindi niya alam na bulag na pala noon si April Boy Regino nang mag-show sa GenSan. Doon sila nagkakilala. 


At kahit may sakit na, hindi nagpatalo si April Boy at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang singing career. 


Tatlong sakit ang ininda ni April Boy bago siya tuluyang bumigay. Nagkaroon siya ng prostate cancer, diabetes, heart at chronic kidney disease. 


Isang malaking kawalan sa music industry si April Boy Regino, minahal at inidolo siya ng masang Pinoy.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page